Gerald may malalim na mensahe sa kanyang birthday message para kay Julia

Ilang araw lamang matapos ang ika-34 na kaarawan (Marso 7) ng aktor na si Gerald Anderson, ang kanyang kapwa celebrity na girlfriend na si Julia Barretto naman ang nagdiwang ng birthday nito sa ika-10 ng buwang kasalukuyan.

Glowing at super radiant ang beauty ni Julia na 26-anyos na ngayon sa mga larawang ibinabahagi ni Gerald.

Para kay Julia na kasama niyang namasyal sa Paris, France ay nagbigay siya ng makahulugang mensahe.

Aniya sa kanyang Instagram post, “The rare people in your life that root for you to achieve your goals are more valuable than the goals themselves.”  Nilakipan niya ito ng ilang larawan nila.

“Happy Birthday I (heart emoji) you,” dagdag pa niya.

Kinikilig na nagkomento dito si Julia. “I (heart) you.” Lovers in Paris ang peg ng dalawa sa kanilang mga larawan ah.

Basahin: Julia Barretto may sweet message sa kaarawan ni Gerald, ‘Partner in life, I thank God for you everyday’

Tatlong araw bago ito ay binati si Gerald  ng kasintahan. Isang simple ngunit matamis na mensahe ang ipinarating nito sa pamamagitan ng isa ring IG post kalakip ang ilang photos din nilang dalawa.

“Happy birthday my love. My best friend and partner in life. I thank God for you everyday,” saad ng aktres.

Basahin: Dennis Padilla muling binati si Julia sa kaarawan nito, ‘Happy birthday anak!!’

Hindi rin naman nagpahuli ang ama ni Julia sa pagbati sa kanya. Sa kabila ng maraming isyu sa kanilang relasyon , pinili pa rin ni Dennis Padilla na batiin ang kanyang anak kay Marjorie Barretto.

Ibinahagi ni Dennis nitong Marso 8 ang isang larawan ng kanyang ginawang personal birthday greeting card na may sulat-kamay na pagbati at kalakip ang lumang larawan nila ni Julia.

“Dearest Juy… Happiiii 26th bday… Praying for more blessings… Labyu anak,” isinulat niya sa kanyang caption.

At sa kaarawan mismo ni Julia ay muling binati ni Dennis ang kanyang anak at nag-upload ng lumang larawan nila nang baby pa lamang ito.

“A picture in my wallet for 26 years and counting… Hope to see you soon.. Happy birthday anak!! Love you.”