Gerald Anderson tinanong kung si Julia na nga ba ang huli at pakakasalan, ‘Siya talaga’

‘Siya talaga’

Ito ang sinabi ng aktor na si Gerald Anderson nang tanungin kung nakikita niya ang kanyang kasalukuyang girlfriend na si Julia Barretto na siya nang kaniyang napupusuang pakasalan.

Sa isang panayam kay Korina Sanchez, tinanong si Gerald ng TV host kung kailan ito magpapakasal.

Ani Korina, “Kailan ka ikakasal? Ikakasal ka na ba? Ninerbiyos ka? Nanlalamig ka yata?”

Napangiti at sumagot naman ang 34-anyos na aktor, “Di naman, di naman po.

“You know, everything na ginagawa ko ngayon is because alam ko naman na malapit na yun, e.

“Hindi naman ako, kumbaga, yung 25-year-old na, ‘Di trabaho muna ako, career muna ako.’

“Genuinely, lahat ng ginagawa ko sa career ko, sa show business, sa pagiging businessman is leading up to that point,” sabi pa niya.

Tanong muli ng veteran broadcaster: “So, it’s gonna be Julia you think? Di mo masabi?”

Paniniguro ni Gerald, “No, siya talaga.”

At nararamdaman umano ng aktor na si Julia na nga ang para sa kanya, “You just know. Alam mo lang eh. You feel na may nagbabago sa’yo.”

“You feel na mas nag-iiba ‘yung priorities mo or mas naging malinaw sa’yo priorities mo. Ang hirap mag-explain eh. Iba ‘yung (feeling),” dagdag pa ng Kapamilya aktor.

Basahin: Gerald may malalim na mensahe sa kanyang birthday message para kay Julia

Kamakailan ay nagtungo ang magkasintahan sa Paris, France at doon ipinagdiwang ang kanilang kaarawan.

Bumati naman ang aktor kay Julia. Aniya sa kanyang Instagram post, “The rare people in your life that root for you to achieve your goals are more valuable than the goals themselves.” Nilakipan niya ito ng ilang larawan nila.

“Happy Birthday I (heart emoji) you,” dagdag pa niya.

Basahin: Julia Barretto may sweet message sa kaarawan ni Gerald, ‘Partner in life, I thank God for you everyday’

Paanorin ang naging interview kay Gerald (30:40):