
Matapos ang kanilang masalimuot na simula, nauwi din naman sa pagkakaayos at pagkakaintindihan ang sigalot sa pagitan ng mag-partner na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario at ng ina ng huli. Masaya na silang nagtutulungan sa kasalukuyan at kasama na nga rito ang pag-aaruga sa kanilang anak na si Baby Meteor na isinilang noong Enero 23.
Bilang pasasalamat dahil sa pag-aalaga ni Mommy Dolly sa kanyang apo lalo na kapag nag-aasikaso ang couple ng kanilang trabaho at negosyo, naisipan nina Whamos at Antonette na pasayahin ito sa pamamagitan ng bagong iPhone.
Sa video na ibinahagi ni Antonette Gail sa kanyang Facebook page ay mapapanood ang pagbigay nila ng kanilang surpresa sa ina.
“Dahil puyat kay Baby Meteor may IPHONE ka,” ani Antonette bilang caption.
Pero tulad ng nakasanayan ng dalawa, idinaan muna sa kaunting prank sa una. hahaha Nang buksan ang kahon ng regalo ay wala itong laman!
Pinatawa muna nila si Mommy Dolly at saka iniabot ang tunay na lamang iPhone. Sa kagalakan ay nayakap pa nito ang future manugang.
Ayon kay Antonette, malalabo ang videos ng kanyang ina kaya malaking bagay ang bagong phone para mas gumanda ang vlogs nito.
Basahin: Antonette Gail, naging emosyonal sa pagkakaayos nilang mag-ina
Matatandaan na noong Enero ay ipinarating nila ang magandang balita kay Mommy Dolly tungkol sa monetization ng kanyang vlogs. Binigyan pa nila si Mommy Dolly ng 50K na premyo kaya’t nagtatalon ito sa tuwa. May nais pala itong buksang maliit na negosyo dahil may iba pa itong mga anak na sinusuportahan.
Napag-usapan din nila ang pinagdaanang gulo sa kanilang pagitan noon. Nauunawaan naman daw ito ni Antonette dahil minor nga naman siya at ayaw ng ina na mapahamak siya. Nagpadala lang daw ang kanyang Mommy sa mga taong nakapaligid sa kanya noon. Sobrang intinding-intindi naman daw nila yun.
Bilang pagtatapos, sinabi ni Whamos na ang mahalaga ngayon ay nasa past na lahat ng nangyaring hindi maganda at ang importante ay ang ngayon na magkakasama na at masaya sila.
Panoorin ang kwelang pagbibigay ng regalo kay Mommy Dolly sa FB post ni Antonette Gail:
You must be logged in to post a comment.