
Labis na hinahangaan ngayon sa social media ang isang guro sa Caloocan City, hindi lamang dahil sa pagiging kabogera sa “OOTD” tuwing papasok sa paaralan o pagiging kikay at masayahin, kundi dahil sa pagmamalasakit niya sa kaniyang advisory class.
Kinabibiliban ng mga netizen at kapwa niya guro si Ma’am Mary Ann Ablihan mula sa Bagong Silang High School, dahil tuwing Biyernes, nilu-look forward at inaabangan ng mga “anak” niya ang libreng pameryenda niya na kadalasan ay “unli taho.”
Tuwing Biyernes ng hapon kasi, pagkatapos ng lahat ng mga asignatura, ang huling period ng klase ay para sa homeroom. Sa oras na ito, makakaharap ng gurong tagapayo o class adviser ang kaniyang advisory class upang makumusta. Kadalasan, ito ay isang enrichment activity at values formation.
Pero kay Ma’am Mary Ann, mas masaya ang homeroom kung uuwi silang lahat sa kani-kanilang mga tahanan nang busog at masaya. Sa pamamagitan ng kaniyang sariling perang kinikita sa iba’t ibang raket o side hustles gaya ng pagle-lecture sa review centers, nakapagbabahagi siya ng kaniyang mga biyayang natatanggap mula sa Poong Maykapal.
“Every Friday, ito talaga yung nilu-look forward namin ang Homeroom Class slash kainan 🤗 #ThankGodItsFriday
Bakit nga ba kami nagkakaroon ng food trip every Friday, pag homeroom?”
“Sa limang araw ng pagpasok ng mga students, halos araw-araw 3 oras tulog, minsan nalilimot na kumain, and this time, is the only time na kahit papaano ma-refresh sila. Kaya we do this. Para naman may pahinga sila at kain din.”
“And lastly, Saturday and Sunday, may raket kasi ako. Hahahahaha it is my way to give back to people. Grabe yung blessing ng Lord sa akin eh. Sobra,” mababasa sa Facebook post ng guro.
“Kaya maraming salamat po sa mga nagbibigay ng raket diyan sa akin hahahaha and of course to Dr. Carl E. Balita Katas po ito ng lecture pag Saturday and Sunday hehe, pasasalamat ng guro.
Sa ulat ng Balita, bukod sa unli taho, iba-iba rin ang mga food trip na binibili at nilalantakan nila gaya ng pizza, tinapay, o turon.
“Hindi ako perpektong guro, pero lahat ng aking ginagawa ay hindi just to ‘show off’ ito ay palagi sa katagang meron ang DepEd Philippines na ang edukasyon ay palaging PARA SA BATA,” giit niya sa ulat ng One News.
Saludo kami sa’yo, Ma’am Mary Ann! Sana ay dumami pa ang mga kagaya ninyo!
You must be logged in to post a comment.