Edu Manzano ipinaliwanag kung bakit ‘di pa personal na nakikita ang apong si Isabella Rose

Aminado ang aktor na si Edu Manzano na hindi niya pa personal na nakikita ang apo kina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Isabella Rose.

Sa isang panayam sa PEP ay sinabi ni Edu na may protocol na sinusunod sina Luis at Jessy upang protektahan ang kanilang anak laban sa COVID-19. Naiintindihan niya raw ito ngunit sa ngayon ay wala pa siyang oras upang sumailalim sa isolation.

“No, di ko pa nakikita si Isabella, unfortunately, pero I agree with them na may protocols. Ako, na-COVID na ako ng apat na beses. Ako, kailangan kong mag-isolate man lang ng three to four days, pero wala akong ganung klaseng oras, e. I didn’t have the time to isolate,” sabi ni Edu, ayon sa PEP.

“Besides, ano ang gagawin ko sa bata? Napakadelikado pa at this point in time,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay sa mga video na ipinadadala muna nina Jessy at Luis nakikita ni Edu ang kaniyang apo.

Suportado rin ni Edu ang desisyon nina Luis at Jessy na magsimula ng pamilya.

“Iba yung children these days. Many choose to live their lives muna rather than to start a family. But Luis and Jessy accepted the challenge and decided, ‘No, it’s time to start a family.'”

Basahin: Jessy sa ikalawang buwan ni Baby Peanut, ‘Sino nang kamukha?

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng mag-asawa ang ikalawang buwan ni Isabella.

Nagbahagi si Jessy ng pasilip sa ginawang photoshoot para sa anak at sinabing tila napakabilis ng nagdaang dalawang buwan. “Red roses to end love month. Happy 2 months to our Isabella Rose! Pagbigyan sa kaartehan ni mama. Waaaah! Don’t grow up too fast my little one. I can’t believe 2 months went by so quickly!” sabi niya sa caption.

Samantala, si Luis din ay nagbahagi ng ilang mga larawan ng anak. “Happy 2nd month to the little Peanut who owns our heart. @jessymendiola and i love you @isabellarosemanzano,” sabi naman ni Luis.