‘What if I lose Nala?’ Camille nakikisimpatya sa mga magulang na nawalan ng anak

Isang malaki at mabigat na papel ang ginagampanan ng aktres na si Camille Prats sa kanyang pagbabalik sa industriya pagkalipas ng ilang taon ng pagiging inactive sa acting. Sa Kapuso afternoon series na AraBella, ang role ni Camille ay isang ina na nawalan ng anak na mahal na mahal niya.

Dahil dito, nakita raw ng aktres kung gaano kahirap ang mawalan ng anak, kaya naman nakikisimpatya raw ito sa mga magulang na ganito rin ang naging karanasan.

“Nawalan ng anak itong role ko na si Roselle, e. I have kids, I have a daughter, and I lost a daughter. ‘Yon talaga ang una kong ginamit na idea in my head, like what if I lose Nala for real?’” wika niya sa isang recent interview sa Fast Talk with Boy Abunda.

Kaya naman talagang tinitiyak niya na mas pahalagahan pa ang mga sandaling kasama niya ang kanyang mga anak.

“Doon pa lang nagigiba na ako. So every time I come home from work, I have this extra feeling na mas sine-savor ko ang moments with her. Because I feel like it’s really such a blessing to still have her in my life, if sa totoong buhay may mga nanay na nawawalan talaga ng anak. I cannot imagine the pain of that parent going through that,” aniya.

Ang pakikisimpatya niya sa mga magulang na napalayo sa anak ay isa sa mga pinakamalalaking pinaghuhugutan niya ng emosyon sa kasalukuyang proyekto.

“I was so nervous, I had a lot of crying scenes, I had a hard time memorizing lines,” kuwento niya.  “Dahil five years akong hindi umarte, nagkaroon ako ng maraming bangko, because my family grew there were so many memories built in those five years. A lot has happened. So every time I try to create scenes in my head, ang dami kong puwedeng paghugutan ng saya, tapos ginagawan ko na lang siya ng drama aspect in my head, I create dialogues, lines with the people that I love and pretend that something hard is happening in our family that will help me.”

Panoorin ang interview ni Camille sa nasabing GMA program: