
Dinepensahan ni Ricci Rivero ang girlfriend na si Andrea Brillantes sa mga nambabatikos dito dahil sa ginawang “promposal” sa nakalipas na concert ng K-Pop group na Blackpink.
Matatandaang nag-viral ang pagyaya ni Andrea kay Ricci na maging escort niya sa Star Magic Ball dahil binasa ng Blackpink ang banner niyang may nakasulat na “I just wanna ask Ricci Rivero will you go to prom with Andrea?”

Sa panayam sa PEP ay sinabi ni Ricci na kagaya ng ibang fans ay gusto rin ni Andrea na mapansin ng mga idol niya, kaya masaya rin siyang nagtagumpay ang girlfriend sa plano niya.
“Pare-pareho lang kami ng fans na nagpunta doon kagabi kaya nga sila nag-attend to see their idols perform. Lahat naman, feel ko, gustong magpapansin sa mga idol nila. E, ganoon din naman ako kung may idol ako,” sabi niya.
“Kung ano ‘yung ginawa ni Blythe, ganoon din ang ginawa ng iba. Malaking bagay para sa fans ang mapansin ng idol nila so that’s exactly what Blythe did. Nag-try siya, e, napansin siya ng idol niya. So, I am really happy for her na naging successful ang plano niya.”

Bago ito ay ipinagtanggol na rin si Andrea ng nakatatandang kapatid na si Kayla Aan Gorostiza mula sa mga negatibong komentong natatanggap nito.
Aniya, gusto lang ng kapatid na maging espesyal ang unang prom niya. Nagbahagi rin siya ng screenshot ng isang tweet na nagsabing papansin si Andrea.
“Yes, ‘yun naman talaga point. Fan talaga ang kapatid ko, masama ba kung nagtry siya mag papansin sa idols niya? Aminin na natin, lahat tayo gusto nating mapansin ng BLACKPINK, ok????” sabi niya sa isang Instagram story.

Ikinuwento niya rin na kagaya ng ibang fans, umaga pa lang ay pumila na ang kapatid para sa concert.
“Nagpa print siya ng 6 na banners (both in korean & in English) to do a promposal for her VERY FIRST PROM. Nag tiis siya sa init, tumayo ng ilang oras, sure din ako nagtiis siya wag umihi. She exerted as much effort as everyone else. Artista siya yes, pero hindi ibig sabihin non eh bawal na siyang umasta na parang normal na tao. If ‘normal fan”yan, y’all would be saying ‘cute.'”
You must be logged in to post a comment.