
Sunod-sunod ang mga video na ibinahagi ng 55-anyos na celebrity na si BB Gandanghari sa kanyang Instagram account kaugnay sa kanyang island hopping adventure sa Siargao.
Patunay na labis niyang ine-enjoy ang pag-uwi sa bansang sinilangan matapos ang maraming taon niya sa Estados Unidos.
Sa isang IG post, masaya niyang ipinakita ang kanyang pagsasanay sa surfing. Aniya, “#surfing: no guts no glory 🏄🏻♀️
.
“We are like islands in the sea, separate on the surface but connected on the deep.” 🌊”
Sa isa pang post, “Surfing with seasoned surfers on bigger and faster waves definitely gave me nerves, challenging to say the very least, but totally worth it💯🏄🏻♀️Dito ay pinasalamatn niya ang kanyang coach sa surfing.
Sa isang video sa YouTube ay ipinakita niya ang maraming beses niyang pagsemplang, pero try and try talaga siya. Desidido! Hindi tumigil hanggang hindi niya nare-reach ang level of success.
Sabi nga niya, “#Surfing: If there’s a will, there’s a wave.🏄🏻♀️ Nothing soothes the soul like a day by the water.…Best times while in siargao.🌴’
Makikita sa kanyang BB. Gandanghari YouTube channel ang kanyang mga adventures na labis niyang in-enjoy. “Mga muscle ko, naglabasan na naman,” aniya habang natatawa. “Ang hirap mag-paddle.”
Sunod niyang ibinida ang kanyang excitement sa boodle fight. Aniya, “Let me count the ways why I am so excited for this one.” Dagdag pa niya, “Going Dako‼️ sobrang kain lumaki tiyan ko… haha” 😂
Disyembre ng nakaraang taon nang kumpirmahin ni BB Gandanghari sa pamamagitan ng Instagram posts na nakabalik na siya sa Pilipinas.
“Home is where your heart is,” aniya.” Siyempre, una niyang pinuntahan ang kanyang ina na si Eva Cariño na mahigit pitong taon niyang hindi nakasama o nakita.
Abril 2022 nang opisyal na naging American citizen si BB matapos ang isang dekadang paninirahan sa US.
Taong 2016 nang maaprubahan naman ang kanyang request na kilalanin bilang ‘female’ sa ilalim ng pangalang Binibini Gandanghari.
Samantala, narito ang isang video ng kanyang Siargao adventures:
You must be logged in to post a comment.