‘For better or for worse’: Bagong kasal na naka-bike, kinagiliwan ng netizens

Kinagiliwan online ang bagong kasal lamang na couple na naispatan na nagba-bike habang pauwi na sa kanilang tahanan.

Ibinahagi ni Theresa Jane DC Gutierrez ang mag-asawa na nakasakay sa bisikleta na may nakasulat na “Just Got Married” noong Marso 11, taong kasalukuyan, bandang 4:30 ng hapon malapit sa Central Market.

Ang bagong kasal ay kagagaling lamang mula sa mass wedding na inorganisa ng City Government of Bacolod at ng Civil Registrar’s Office.

“Saw this beautiful couple. Isa ni sila guro sa 2023 nga gn kasal🥰 CUTIEEEEEEE ! GOD BLESS YOUR MARRIAGE🥰😇❤️,” isinulat ng uploader sa kanyang Facebook post.

“Yes po pauwi na kami nang nakita namin sila.They look cute together so i took a photo,” ayon kay Theresa na isang commuter.

Kabilang sila sa 2,023 mag-asawang nagpalitan ng kanilang “I do” sa harap ng opisyal na nagdaos ng mass wedding; si Bacolod City Mayor Alfredo Abelardo “Albee” Benitez.

Ang in-upload na larawan ni Theresa ay nakatanggap ng maraming komento at mayroon nang mahigit 1.9k shares sa FB.

“Nice couple napakasimple hindi nahiya na bike lang afford nila basta happy lang sila inlove much.”

“Lakas maka-Thai and K-drama😍 Congrats and best wishes couple.💕”

“Kitang kita ang saya sa mukha ni bride🥰 kitang kita rin ang pagod sa mukha ni groom😁 umpisa pa lang napatunayan na ang pagmamahal ng lalake sa babae… “sa hirap at ginhawa, magkasama” 😀  Congrats at best wishes sa bagong kasal.. abangan po namin susunod, pag may anak na, three wheeler na ang gamit. 🙂”

“Yan ang tunay na praktikal kaysa bongga pagkatapos ng kasal hiwalayan din. Best wishes sa inyong dalawa.”

“Ewan koba, nung nakita koto na touch ako. Ung happiness sa smile ni ate parang damang dama❤️❤️❤️ Napaka genuine.”

“Ang pag-aasawa ay puro hirap pero wag sumuko wag mag expect ng sobra sobra at dapat magtulungan..ang kakulangan ng isa wag hanapin sa iba.. All the best newly wed.”