Meet Baby #2: Solenn Heussaff ipinasilip na si Maëlys Lionel

Matapos ang mahigit tatlong buwan, nag-face reveal na si Solenn Heussaff sa kanilang pangalawang bundle of joy ng asawang si Nico Bolzico.

Sa pamamagitan ng isang Instagram reel ay malinaw nang ipinakilala ni Solenn ang pangalawang anak na babae, si Maëlys Lionel Bolzico.

Gamit ang  ‘Here Comes The Sun’ na awitin ng The Beatles bilang background music, nagpasaya ng mga followers ni Solenn ang smiling face ni Baby Maëlys na isinilang noong Disyembre 14, 2022.

CLICK IMAGE TO WATCH THE IG REEL

“Always making us smile, Maëlys  <3,” saad ng 37-anyos na celebrity Mom. Mukhang happy baby nga ito pagkat nakangiti agad pagkakita sa kanyang ina.

Bumuhos naman ang komento mula sa kanilang celebrity friends at iba pang IG followers na gandang-ganda sa second princess ng mag-asawa. “So cute!” “Nico’s mini me”

Sa Youtube ay nagbahagi rin ng ‘Meet Maëlys Lionel!’ video si Solenn kung saan ay ipinakita na ‘Ate’ na si Tili, o Thylane Katana, ang kanilang panganay na isinilang naman noon Enero 1, 2020 kaya’t tatlong taon mahigit na ito; handang-handa nang mag-alaga at makipaglaro sa kanyang baby sister.

Si Solenn ay isang Filipina-French actress, VJ, model, TV host, singer, painter, fashion designer, at professional make-up artist. Si Nico Bolzico naman ay isang Argentine entrepreneur.

Basahin: Nico to wife Solenn: Thank you for being you and choosing us every day

Sina Solenn at Nico ay naging magkasintahan taong 2011. Mayo 2016 naman nang sila ay ikasal sa France.

From the start, I’ve always been the one to make wrong decisions, meet the wrong guys. I have always felt that it wasn’t my destiny to end up with someone that needed fixing,” sambit ni Nico nung araw ng kanilang kasal. “When in fact that I was the one that need fixing. And then I met you. And things just went amazing. I cannot promise you that I won’t hate you at times, but I know I will love you harder even when it hurts.”

Makaraan ang ilang taon nila bilang mag-asawa, labis-labis ang pagpapasalamat ni Nico sa kanyang maybahay at ipinahayag ito sa pamamagitan ng isang IG post noong kaarawan ni Solenn. “Happy birthday to the best mama and life partner! Thank you for loving us unconditionally, thank you for always being present, thank you for taking care of us, thank you for not kicking #ElPadre out (even when he deserves it), thank you for being the best example of a good person, thank you for giving us a sibling, but mostly, thank you for being YOU and choosing US everyday!”  

Watch Solenn’s YouTube vlogs: