
Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa sikat na awiting “Anak” ni Ka Freddie o Freddie Aguilar?
Kamakailan ay muli nitong hinarana ang mga dumalo sa isang espesyal na pagtitipon. Sa video na ibinahagi niya mula kay FB user Agot Hinayan ay mapapanood ang kanyang pagtatanghal kasama ang kanyang anak na si Jeriko Aguilar.
Ang bantog na Pinoy folk musician na kilala rin sa kanyang awiting “Bayan Ko” ay 70 anyos na ngunit patuloy pa itong tumitipa ng kanyang gitara at nagpapaunlak sa mga imbitasyon.
Madamdamin pa rin ngunit may bagong timpla ang kanyang rendisyon ng ‘Anak’ na halos 45 na taon na mula nang kanyang inilabas at napabilang pa nga sa finals ng 1978 Metropop Song Festival. At gaya ng dati, humahaplos talaga ito sa puso ng mga nakakapakinig at nakapanonood.
“Nagdaan pa ang mga araw, At ang landas mo’y naligaw. Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo. At ang una mong nilapitan ang ‘yong inang lumuluha. At ang tanong anak ba’t ka nagkaganyan…”
Bumuhos ang komento ng pagbati sa nag-iisang Ka Freddie. Tinawag siyang, “The Legend! For all times!”, “the one and only”,
“Wala kang kupas, ka Freddie Aguilar.”
“Bata pa lng ako sir idol Freddie Aguilar paborito ko na mga kanta mo naririnig ko sa radyo. 📻🎙️ Wala ka pa rin kupas.”
“Kaka, keep on inspiring others with your songs. Hallelujah. More power. God bless you Mabuhay Ka Freddie! Walang kupas! Walang kamatayan ang awiting obra na itinanghal sa buong mundo.”
Dahil sa mensahe nito at temang patungkol sa ‘anak’, hindi naiwasan ng ilang netizens na malungkot dahil sa sitwasyon ng anak niyang si Maegan na tila ‘ang landas ay naligaw at nalulong sa masamang bisyo.”
“Hope Megan can reflect this song from what she’s been through right now…”
“Ka Freddie ung kanta mong Yan, kung hindi pa ipinapanganak ung isang anak mo or bka maliit p cia nung kasagsagan Ng ANAK, ay parang premonition para sa kanyang paglaki, habang pinakikinggan ko Ang bawat lyrics tugmang tugma sa kanya, un lang huli Ang mjo Hindi p dahil iba Ang sinisisi Nia sa kalagayan Nia ngaun at puno Ng Galit Ang puso Nia… Sana magmunimuni cia at manalangin Ng taimtim para magliwanag Ang isip Nia at bigyan cia Ng Dios Ng malambot at mapagpatawad n puso para magbago Ang pananaw Nia sa Buhay… Sana may mkapagpayo sa kanya n Hindi pa huli ang lahat, magbalik loob cia sa Dios para umayos na ang Buhay niya.”
Nagpaabot naman ng panalangin ang ilan na sana ay makabangon muli ang kanyang anak na ayon sa resulta ng isinagawang drug testing sa tulong ng Raffy Tulfo in Action na programa ni Sen. Raffy Tulfo ay lumabas itong positibo sa paggamit.
Panoorin ang kanyang pagtatanghal:
You must be logged in to post a comment.