
Naibunyag ni Kapuso aktres na si Ashley Ortega sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes ang kanyang unang pag-ibig at first boyfriend.
Tinanong kasi siya ni Tito Boy kung na-fall na ba siya sa kanyang leading man, at mabilis naman niya itong sinagot.
“Yes,” napahagikgik niyang sagot at nang tanungin ni Tito Boy kung sino iyon ay game namang sumagot si Ashley ng “Juancho Triviño.”
“He was my first boyfriend,” tapat naman niyang inamin, “I think naging out naman kami dati.”
“First love and first boyfriend ah!” bulalas niyang sinabi sa TV host at napahawak sa mukha.
Nauna nang nagkatrabaho sina Juancho at Ashley sa ilang proyekto kasama ang “Instadad” at “Maynila.”
Sa panayam, nailahad din ni Ashley ang tungkol sa breakup nila ng kanyang pinakahuling boyfriend na si Lucena Mayor Mark Alcala.

“Pinaglaban ko naman ’til the very end,” aniya, “We had a mutual agreement and I respected his decision. Ayaw namin ipilit sa isa’t isa if we know it won’t work. Kasi if we know it won’t work, bakit pa ipaglalaban?” dagdag pa ng aktres.
Ayon kay Ashley, pareho silang naging abala sa trabaho, “Naging problem yung distance. Nawala yung connection and communication,” wika pa niya.
Nag-break sila six months ago at simula noon, hindi na sila nagkita o nag-usap. “I don’t know if we’re friends but I have nothing against him.”
Si Ashley ang kasalukuyang lead star ng “Hearts on Ice” at leading man niya ang aktor na Xian Lim na mapapanood gabi gabi sa GMA.
Kamakailan ay tahasang itinanggi ng Kapuso stars na sina Xian at Ashley ang diumano’y lihim at romantikong namamagitan sa kanila, ayon sa mga bulung-bulungan. Friends lang daw sila talaga.
You must be logged in to post a comment.