Ama ng 8-anyos natawa na lang sa ‘kalat’ na ginawa ng anak na nag-ala Elsa sa ‘Frozen’

Kapag usapang anak, tiyak na maraming magulang ang nahahatak ang atensyon, lalo na kung usapang ‘kalat’ na ng anak na marami ang nakaka-relate.

Kaya naman hindi nakapagtatakang nag-viral ang post ng isang daddy na naglabas ng nakatatawang ‘himutok’ sa social media kaugnay sa little girl niyang ‘nagsaboy’ ng ‘snow’ sa kanilang bahay. Nagmistula kasi itong si Elsa sa pelikulang ‘Frozen.’ hahaha

Ayon sa ‘palahaw’ ng daddy netizen na si Likes Evangelista, “Mga kapitbahay Hindi po pala maganda yung movie na Frozen sa mga bata dahil ginagawa rin nila yung ‘I wanna build a snowman’ (emojis),” ani Daddy Likes sa kaniyang post sa Home Buddies Facebook page.

Pagpapatuloy niya, “as in buong kwarto po namin merong white balls na styro 😂 Pero sabi nga ng dad ko minsan lang sila magiging bata at darating ang araw na tayong mga magulang na ang mapapaisip bakit wala nang nagkakalat yun ay dahil may kanya kanya na silang pamilya ♥️♥️  Kaya sulitin po natin ang pagkakataong ito..”

“ok lang na tagalinis tayo ng kalat nila.. ang importante ay masaya sila at walang sakit..💪  Linis mode po muna ako…
Godbless po sa inyo♥️🙏🙏

Pahabol po niya sa mga nag-aalala, “Ps: wag po kayong mag-alala, hindi po niya sinusubo ung styro, sa baby alive po niya pinapakain”  (emoji)

Ibinahagi rin niya ang isang video kung saan ay matamang nanonood ng pelikulang ‘Frozen’ ang kanyang prinsesang si Arya.  Tila nagsusumbong pa si Daddy sa kanyang maybahay sa tono ng kanyang kanyang caption, “Mommy ang kalat ng kwarto😂❄️❄️ nagyeyelo.”  hahaha

Sino ang mag-iimis? Walang iba kundi si Daddy dahil ang mommy ni Arya ay nasa barko at hindi basta basta makakauwi. Sorry, Daddy Likes. kaya mo yan!  🙂

Bumuhos ang komento sa kanyang post. Aba, daming naka-relate. May iba rin palang ‘naimpluwensiyahan nina Elsa at Anna ng ‘Frozen.’ Kasalanan nila yan eh!  hahaha May nagbahagi pa ng similar video. Hindi lang isang bata kundi apat! Mantakin mo ‘yun! hahaha

“Mamimiss po natin yan mga gnyan eksena. Pag malalaki na sila” 😊

“Relate na relate ako jan sis. Kahit ako ng bata ginawa ko yan, hinde pa uso si FROZEN nun.😀😀😀katuwa lang” 😀😀

Samantala, mayroon din namag mga nagpaalala kay Daddy Likes na maging maingat sa white balls styro dahil baka pumasok ito sa tenga o sa ilong ng bata, at hindi ito makahinga.

“Ingat lng po inhalation of micro pieces of styro can cause serious lung and other health problems.”