Doll house aktres Althea Ruedas itinanghal bilang ‘Little Miss Diva’ grand winner ng ‘Eat Bulaga!’

Ang aktres na si Althea Ruedas ay nagwagi bilang ‘Little Miss Diva’ grand winner ng ‘Eat Bulaga’ nitong Marso 4, 2023.

Wow naman, nakatutuwa naman! Magaling pala siyang umawit, kaya naman hindi katakataka na nanalo siya.

Inawit ni Althea ang “Pangarap Na Bituin” ni Megastar Sharon Cuneta. May song-and-dance number din siya sa saliw ng “Proud Mary” na pinasikat ng American musical duo na sina Ike at Tina Turner.

Sa walong finalists ng nasabing kiddie talent competition, si Althea ang itinanghal na grand champion at nakapag-uwi ng Php 500,000 bilang cash prize.

Sinabi niya na dalawang taon pa lang siya noong nagsimula siyang umawit. Mahilig din siyang mag-ukulele, magsulat ng kanta, at magsulat ng kwento, Grabe! Nakabibilib naman pala talaga ang talento ni Althea!

Bumuhos ang pagbati at papuri mula sa kanyang mga tagahanga sa kanyang naging pagtatanghal.

“I agree Althea knows how to control her voice hinde over… marunong pumili ng song kaya ng voice 9:54 the performer kudos Althea”

“This little girl Althea Ruedas really deserves the title as Miss Little Diva 🔥 She’s on fire when performing! Great and goodluck!”

“Althea is a real diva and for the rest of the kiddos for sure you will go places with your gifted voice and talents… keep it up! Congratulations everyone!!!👏👏👏”

“Grabe ka althea sa rolling.. Hirap mag sing and dance. Ang galaw mo ang husay mo inulit ko pang panoorin. pero ang boses mo intact. Tapos sa tagalog mapa low and high notes kaya mo rin. 👏👏👏👏”

“Gagaling ng mga little divas…deserve ni Althea kasi total performance talaga ang shinowcase nya..congrats kids!! bravo”

Basahin: Get to know Tito Clyde’s best friend ‘Yumi’, Althea Ruedas

Kamakailan ay nag-trending at naging Top 1 sa Netflix ang kanilang movie na ‘Doll house’ kasama ang aktor na si Baron Geisler.

Si Althea Ruedas ay isang Filipina child actress na nagsimula ng kanyang karera sa edad 6 na taong gulang at naging 1st Runner-Up sa pageant ng “Little Miss Philippines” ng Eat Bulaga noong 2019.

Simula noon, nagsimula siyang makasali sa iba’t ibang anyo ng media; higit sa lahat sa pag-arte at pagkanta.

Panoorin ang winning performance ni Althea sa video na ito: