Alma Concepcion nagka-mood pumatol sa ‘nega’ matapos tawaging ‘bilasa’

Alma Concepcion (Larawan mula sa FB ni Alma Concepcion)

Usap-usapan ngayon ang Facebook post ng beauty queen-turned-actress na si Alma Concepcion matapos niyang ibahagi ang pagsagot niya sa isang detractor na nilait ang kaniyang “My Story.”

Ayon sa gumaganap na nanay ng Kapuso actress na si Bianca Umali sa bagong seryeng “The Write One” ng GMA Network-Viu Philippines collab project, bibihira lamang siyang sumagot at pumatol sa bashers subalit ang latest na ibinahagi niya ay hindi niya pinalagpas.

Aniya sa caption ng kaniyang Facebook post, “Mga 3x a year lang ako pumatol sa mga nega. Here is a sample. Buti may time ako today at nasa mood ako, tinagalog ko talaga para sure na sure na sure na maintindihan hehehe.”

“For entertainment purposes soooo worthy to share hahahahahaha.”

“Aging is a privilege and its definitely not a disadvantage. I dont even wanna go back to my younger years!” saad pa ni Alma.

Kalakip ng Facebook post ang ilang screenshots ng usapan nila ng basher, na maipagpapalagay na lalaki at mas bata sa edad ni Alma.

Nagkomento ito sa FB story ni Alma na siya raw ay “bilasa” na. Ang bilasa ay pang-uri o salitang naglalarawan ng isang isdang “hindi na sariwa.”

Sagot naman ni Alma, mas gusto na niyang maging matanda kaysa bata na wala namang respeto sa kapwa.

“So? Mas gusto ko maging matanda kaysa bata na di marunong magrespeto sa kapwa. Parang ang pait ng mga sinapit sa buhay ng mga nagnenegative comments.”

“Siguro mas ok na buhos mo yung energy mo para gumanda buhay mo kasi mukhang di kaaya-aya ang sitwasyon mo. Nakakaawa ka. Kaawaan ka nawa ng Poong Maykapal.”

Marami naman sa FB friends ni Alma ang sumuporta sa kaniyang ginawa, ayon sa ulat ng Balita.

“Di nga ‘yan talaga masaya sa buhay niya kaya ganiyan utak niya… bastos grabe walang modo… kaya tama lang ginanyan mo para malaman niyang di lahat ng tao puwede ganyanin kahit artista pa.”

“Malaki ang problema niya sa sarili niya hahaha.”

“Go Alma.. you are beautiful then and now ♥️ whoever made this comment is a loser— for sure”

“Very well said! Lahat naman tatanda eh. Mas nakakahiya yung tumanda ka pero wala kang pinagkatandaan.”

Wala pang bagong post o update si Alma kung humingi ba ng paumanhin ang basher o sumagot pa ito sa kaniya.