Alex Gonzaga naging ‘Maid for a day’ sa pamilya ni Whamos Cruz, kinaaliwan

Nag-upload si Alex Gonzaga ng bagong YouTube video na ikinaaliw ng maraming netizens.

Sa kanyang bagong vlog ay naging kasambahay siya sa loob ng isang araw sa pamilya ng couple influencers na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario at sa kanilang anak na si Baby Meteor.

“Hello po ma’am sir! Andito na po ako ready na po ako maglinis ng mga kaloob-looban niyo hanggang balun-balunan!” ani Alex na handa na bilang isang housemaid.

Hindi lamang maid ang naging ganap ng aktres; nag-tour na rin siya sa bahay nina Whamos.

Bilang isang kasambahay, ginawa na ni Alex ang iba’t ibang gawaing bahay para sa celebrity family. Tumulong din siya sa paghahanda at pagbibigay ng bitamina kay Meteor.

Naikuwento rin ni Whamos na gaya ni Alex, sa Taytay siya nakatira noon at kung anong klaseng bahay lamang ang mayroon sila;  gawa lamang sa tarpaulin ang dingding nito, yero lamang ang bubong at nakatagilid pa ang bahay.

“Taga Taytay talaga ko Sitio Bayabas, ang bahay namin dati pinagtagpi-tagping tarpaulin ang bubong namin may yero pero gaano tapos kahoy lamang kami, tapos ang bahay namin naka-tagilid,” masayang ginunita ng content creator.

Ani Whamos, “‘Yung buhay ko dati at buhay ko ngayon ang layo ng pinagkaiba, kasi ibinigay ni Lord ito eh.”

Bukod sa mga gawaing bahay, nakipagbiruan din si Alex at nakipagkulitan kay Whamos. Batay sa video, tila nagkaroon ng maraming onscreen chemistry sina Alex at Whamos dahil pareho silang natural na komedyante. Maraming tagahanga ang umaasa na muli silang mag-vlog sa hinaharap.

Ang video na in-upload ng aktres ay number 4 trending sa YT at mayroon nang halos 890K views sa loob lamang ng dalawang araw.

“Ang sarap lang panuorin.  Mararamdaman mong parehas silang kumportable sa isa’t-isa”.

“More collaboration with whamoz Maganda ang tandem nyo, good vibes lang,. Watching from 🇺🇸”

“Napa-smile na namn ako ni Alex Thank you, more video pa and colab. God bless you always and we wish soon magkababy na din kayo ni Mikee.”

“Nakangiti lang ako buong episode hanggang matapos heheheh super funny at goodvibes po ng content mo ate Alex 🥰 God bless po”

Panoorin: