‘Kita Kita’ love team Alessandra at Empoy, muling nagtambal sa ‘Walang KaParis’

Alessandra and Empoy are back in each other’s arms?

Yes, matapos ang pelikula nilang “Kita Kita” na minahal ng marami at tumabo nang husto sa takilya, nagbabalik-tambalan sina Alessandra De Rossi at Empoy Marquez sa bago nilang pelikula na “Walang KaParis.”

Ang dalawa ay nagkasamang muli sa ilalim ng direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo; the same director na humawak sa kanila sa 2017 nilang hit movie.

Ang “Walang KaParis” ay mula sa produksyon ng Spring Films at Viva Films, at ito ay mapapanood a via streaming sa Amazon Prime Video simula sa March 23 sa 240 bansa.

Ang kwelang tambalan ng 41 at 38 anyos na sina Empoy at Alessandra ay inaasahang muling magpapakilig at magpapatawa (at magpapaiyak)  sa mga manonood.

Sa trailer pa lang ay may hatak na agad sa mga viewers ang aktingan ng dalawa.

Ang kuwentong nakapalibot sa Amazon Original film na ito ay tungkol kay Jojo, karakter ni Empoy. Isa siyang Pinoy artist na nakabase sa Paris kung saan ay makatatagpo niyang muli si Marie, karakter naman ni Alessandra. Lumalabas na magkakilala na sila noon pa mang high school sa bansang sinilangan.

Mukhang simpleng senaryo ano, pero hindi. Bumuhos ang comments sa trailer ng “Walang KaParis” na ibinahagi ng Viva Films sa Facebook at sa YouTube.

“Wow! Yung kakapanood ko lang sa Netflix ng Kita Kita (ulit)!! whoa!! 😂

“The unconventional loveteam is finally back. Kita-Kita 2017 ay isa sa mga paborito ko sa Filipino movies. This is not a typical love story again.’

“My favorite loveteam talaga to.”

“What I loved about this trailer is that so far, THEY ARE NOT FOCUSING ON EMPOY’S PHYSICAL APPEARANCE NOR DOES IT SEEM THAT THEY’RE HEADED IN THAT DIRECTION! They are treating Empoy in this story as if he’s just like any other leading man!”

“Parang may looping na mangyayari sa movie na to. I guess ang character lang ni Empoy may alam, that’s why pinipigilan niya feelings niya for Alexandra’s character. Parang iba ibang scenario na if nagkasila may mangyayaring masama. So, hindi sila pwedeng magkarelationship together 🙁 (pasensya na not from Luzon hehe)”

Panoorin ang kanilang trailer: