
Matagal-tagal na rin simula nang huling napanood sa Eat Bulaga ang Kalyeserye star na si Alden Richards, na naging sobrang popular noon sa nasabing palabas bilang other half ng tambalang AlDub kasama si Maine “Yaya Dub” Mendoza.
Kaya naman sa kanyang pagbabalik sa show, hindi raw naiwasan ng aktor na maging emosyonal sa dressing room pa lang.
“Masaya. Ang tagal ko ring hindi nagawa ‘to. Nakaka-miss talaga lalo na ang Dabarkads,” wika ni Alden sa video na ibinahagi ng Eat Bulaga sa Facebook page nito.
“Naiyak lang talaga ako noong pagpasok ko ng dressing room tapos niyakap ko sila,” pagpapatuloy ng aktor na sunod-sunod na ang naging proyekto pagkatapos sumikat nang husto bilang Dabarkads. “Medyo matagal din akong nawala talaga. Naramdaman ko ‘yong tagal ng panahon pero ngayon, I am back, Dabarkads!”
Nauna nang ibinahagi ni Alden kung gaano siya nagpapasalamat sa tuloy-tuloy na growth niya bilang isang Kapuso star at bilang isang indibidwal.
“Hindi naman talaga lagi smooth sailing ‘yong buhay natin pero everything that has happened, at the end of the day, may mga learnings ako roon. So I’m very grateful for it,” saad ng aktor, na ibinahagi rin kung gaano kahalaga na lumabas ng comfort zone sa kabila ng lahat ng pangamba.
“‘Yong [mga nagbibigay ng] kaba, ‘yong [nagbibigay ng] nervousness, ‘yon ang mga bagay na dapat mong ginagawa kasi it means hindi ka sure sa outcome. As opposed to you’re just in your comfort zone na alam mo na ang lahat ng turnout ng mga ginagawa mo,” saad niya.
[RELATED – Alden sa paglabas sa comfort zone ngayong 2023: ‘Yong nagbibigay ng kaba, ‘yon ang mga dapat mong ginagawa]
“I think ‘yong unang suweldo ko was P10,000, ‘yon yata ang pinakaunang payslip ko sa GMA,” pagbabalik-tanaw niya.
Nahirapan din daw si Alden noon sa pagbiyahe palabas at pabalik ng Laguna habang nagtatrabaho sa Maynila. Ito ang dahilan kaya napagtanto niya na kailangan niyang maging mas madiskarte at humanap ng iba pang pagkakakitaan.
“With the income that I’m having at that moment, kinonsider ko muna ‘yong quality of life ko, how do I make my life at the moment more productive?” wika ng aktor. “Bumili ako ng secondhand na kotse. Hindi ako marunong mag-drive, ang experience ko lang talaga is coming from driving a bump car in a theme park.”
“So lakasan lang ng loob. Trust your gut, sometimes ‘yong gut feel is a very powerful tool when it comes to decision-making. And doon ako nag-start, doon ako nagkaroon ng mind conditioning na, ‘Ah, ganito pala ang buhay. If you want something, you work hard and still it will all boil down with being with the right people, be with the right team, kasi hindi mo ‘yan kaya mag-isa,’” pagpapatuloy pa nito.
You must be logged in to post a comment.