
“Ano yung maipapayo mo sa Generation Z upang hindi kami mag-fail sa buhay kagaya mo?”
Ang kontrobersiyal na negosyante at social media personality na si Christian “Xian” Gaza ay hindi naman laging pambansang marites ang peg sa social media. Kakaiba lamang ang approach niya at may pagkakwela kaya nga umabot sa panlasa ng halos 1.7 million niyang followers sa Facebook.
Sa totoo lang, marami rin siyang mga aral at tips na ibinibigay tungkol sa buhay in general. At nito ngang ika-30 ng Enero ay may makabuluhan naman siyang mensahe na ibinahagi para sa mga Generation Z o zoomers.
Kalakip ang isang throwback photo niya, ibinahagi niya ang kalagayan o estado niya sampung taon na ang nakararaan.
“10 years ago. I own 8 businesses in Malabon. Mga panahong 20 years old pa lang ako, kaedad ko yung mga Gen Z ngayon. One year later, na-bankrupt ako. Baon sa utang at 13.9 million pesos. 27 investors, 2 bank loans and 4 credit cards.”
Tinawag niya itong “Financial mismanagement.”
Kasunod nito ay sinagot niya ang isang tanong ng Gen Z. “Ano yung maipapayo mo sa Generation Z upang hindi kami mag-fail sa buhay kagaya mo?”
Tatlong mahahalagang bagay lamang ang kanyang ibinigay ngunit malaman at worth pag-isipan at gawing gabay.
Aniya, una, ‘Control your spending.’
Hangga’t gastador ka, hinding-hindi ka uunlad sa buhay. There’s no way but failure. If you always spend more than what you earn, araw-araw kang kakayod para lamang magbayad ng utang. Unending cycle. Miserable life.
Pangalawang paalala niya, ‘Live within your means.’
If you are earning 20K per month, mabuhay ka sa halagang bente mil buwan-buwan. Simple as that. If you want to upgrade your lifestyle, then look for more income streams. Huwag na huwag mong iaangat yung antas ng iyong pamumuhay hangga’t hindi lumalaki ang iyong kinikita.
Panghuli niyang paalala, ‘Don’t spend money just to look rich.’
Instead, spend money to become rich. Kahit gaano pa kalaki ang gastusin mo para magmukhang mayaman, may masasabi at may masasabi pa rin sayo ang ibang tao. You will never get everyone’s approval. Mauubos lang pera mo. Maghihirap ka lang sa buhay. Magpakatotoo ka na lang sa lahat. Hampaslupa ka ngayon, so what?
Pagtatapos niya sa kanyang post, ito umano ang tatlong basic things na hindi niya alam noon kaya paulit-ulit siyang nabigo sa buhay. Kaya naman, pakiusap niya… “Huwag niyo nang ulitin pa, Generation Z. May God bless you all.”
O ‘di ba’t may katuturan at tunay na worth tandaan ang mga sinabi niya? Sabi nga, experience is the best teacher at matindi na ang mga aral na natutunan ni Gaza sa kanyang mga mabibigat na pinagdaanan.
At kung wais ka, puwede ka ring makaiwas sa mga serye ng kabiguan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga naging pagkakamali ng iba. Learn from the masters, ‘ika nga. They’ve been there.
You must be logged in to post a comment.