
Hindi napigilan ng aktres na si Sheena Halili ang luha habang nanonood ng Moana show sa Hong Kong Disneyland.
Kuwento niya sa isang Instagram video post, masaya siyang personal itong nasaksihan ng anak na si Martina.
“Naiyak ako sa Moana show? 1. Masaya ako na masaya ang anak ko at nakita niya si Moana in person. Si Elsa at Moana ang kilala niya talaga! Natutulala siya at alam kong masayang-masaya siya!” paliwanag ni Sheena.
Dagdag niya pa, nasa 20s na siya nang una siyang makarating sa Disneyland kaya naman masaya siyang naiparanas niya ito sa dalawang taong gulang na si Martina.
“Masaya ako dahil nakita ko si Moana in person. Nasa 20s na ko nung naka punta ako ng Disneyland kaya masaya ako na napapa experience namin ni Jeron ‘tong saya na nararamdaman ko para sa anak namin. Alam ko mas namamangha ang baby heart niya. #Happy tears tayo mga momsheen!”
Relate naman ang ibang mommies sa kasiyahang nadama ni Sheena.
“Hays ganyan din ako pag nakikita kong masaya o kaya may nakikita yung anak kong gustong gusto niya. Napaka soft-hearted talaga nating mga mommy! Pagdating sa anak, napaka babaw ng luha at napaka babaw ng kaligayahan natin. Makita lang natin silang masaya, mas doble pa yung saya na nararamdaman natin ,” komento ng isang netizen.
Kuwento ng isa pang netizen, nang minsang dalhin niya ang mga anak sa lugar na gusto nilang puntahan ay hindi niya rin napigilan ang luha.
“I feel you po Miss Sheena. Nung dinala namin baby ko sa Dinosaur Island, naiyak din ako kase tuwang-tuwa sila. Akala nun mga kasabay namin takot lang ako sa dinosaur non,” sabi niya.
“Masaya rin yung younger self natin na di man natin naranasan nung bata tayo ay naranasan naman ng mga anak natin,” dagdag naman ng isa pa.
Watch the video she shared by clicking the image below.
You must be logged in to post a comment.