
Naging emosyonal ang Megastar na si Sharon Cuneta nang magbigay ng mensahe para sa anak-anakang si Julia Montes, na habambuhay niya raw mamahalin at aalagaan.
Sa recent episode ng Magandang Buhay, nag-guest ang dalawang Kapamilya stars, kung saan ikinuwento nila ang tungkol sa kanilang relasyon bilang “mother and daughter”.
“Sa mundo natin, may taping friends, may co-workers lang. Ito masasabi mo na ‘yong in-offer sa iyo na love ni Megastar, ni Mommy Sha, ay hindi ganoon,” ani Julia. “Alam mong on and off cam ay nandiyan siya for you. Maki-keep ko ‘yong love talaga at ‘yon ang mache-cherish ko. Naging thankful ako kung bakit ako napasok sa Ang Probinsyano, part doon si Mommy Sha.”
Dito ay hindi na napigilang maiyak ni Sharon habang nangangakong hindi niya kailanman pababayaan ang anak-anakan.
“Forever nandito ako habang nabubuhay ako. Mommy niya ako, anak ko siya. I will protect her, I will treasure her friendship and her being my daughter that I chose to be my daughter and she chose me to be a mommy also,” saad ng seasoned actress.
“Forever and ever I will treasure that. Mapagkakatiwalaan niya ako sa ups and downs. Aalagaan ko siya, mamahalin ko siya na parang tunay na anak at lagi akong nandito to protect her, damayan siya at ipadama sa kanya kung mayroon man siyang hindi nadama, kasi ‘yon din ang ibinibigay niya sa akin,” pagpapatuloy niya.
Sobrang nagpapasalamat daw si Sharon sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Julia.
“‘Di niya ako nalilimutan at tsaka nagpo-post siya about me, pati ‘yong fans ko natutuwa. She reciprocates, minsan nauuna pa siya na parang may pinost siya, ‘Because of Probinsyano I gained a mommy.’ I’m her surrogate mommy and she is my surrogate daughter.”
At ganoon din ang nakababatang aktres.
“May napag-usapan kami na parang ‘yon pala ‘yong hinahanap ko nang matagal tapos siya may hinahanap siya. So parang nag-click lang. Hinahanap niya, hinahanap ko, parang nag-swak,” pagbabalik-tanaw niya. “Unexplainable kung paano kami naging close. Kasi lahat naman eventually kapag may nakatrabaho ka magiging close mo pero kay mommy Sha parang naging special lang talaga kasi may in-answer si God na question mo for ilang years at ‘yon ang ibinigay niya, ‘yong napag-usapan namin.”
Panoorin ang guesting nina Sharon at Julia sa Magandang Buhay:
You must be logged in to post a comment.