
Maging ang isang Sharon Cuneta pala, na itinuturing na Megastar ng local showbiz, ay naranasan na ring isnab-isnabin ng mga batang artista.
Sa kaniyang vlog kung saan nag-guest ang beteranong entertainment host at talent manager na si Ogie Diaz, napag-usapan nila ang kani-kanilang karanasan mula noong sila ay nagsisimula pa lamang na pasukin ang mundo ng entertainment industry.
At isa nga sa naibahagi ni Mega ay kung paano siya dinaan-daanan lamang noon ng mga batang artista ng ABS-CBN.
“Tayong old school, kaming mga nagsimula nung araw pa, ‘pag merong senior sa aming artista kahit ‘di kami kilala, lalapitan namin—’Magandang hapon po,” kuwento ni Sharon.
“Ako po si Sharon, bago po akong singer. Kasi naii-star struck ka rin, pero paggalang ‘yun,” patuloy nito.
Nakalulungkot nga raw ang ilang insidente na nangyari mismo sa bakuran ng Kapamilya network.
“Pero meron kasing nakakalungkot minsan nasasalubong namin noon sa ABS corridor. Pagdaan [nila] feeling ko, ‘Kamag-anak kaya ni boss Gabby [Lopez] ‘yon? Parang Lopez kung umarte, daig pa ‘yung mga Lopez. Si Don Geny nga bumabati kahit sa janitor,” paglalahad ni Mega.
Aniya, hindi naman siya naghihintay na batiin o bigyang-galang; bagkus ay kahit daw tango o munting ngiti man lang sana.
“‘Yung mga bata ngayon, makasalubong mo lang face to face, parang dinaanan nila poste lang. Hindi naman ako nag-eexpect ng anything…just a little ‘hello po’… ‘Yung parang kahit walang hello, yung smile na hi,” wika pa ng batikang singer-actress.
Humirit naman si Ogie na kung maaari ay pangalanan ni Sharon ang kaniyang tinutukoy na mga young stars.
“Marami… marami over the years—totoo,” sagot na lang ni Mega na hindi nagbanggit ng partikular na pangalan.
Panoorin ang buong vlog ni Megastar sa You Tube:
You must be logged in to post a comment.