
Talagang napakabilis lang ng panahon. ‘Yan ang nararamdaman ngayon ng aktor na si Ryan Agoncillo para sa kanilang anak na si Yohan.
Ibinahagi ng aktor sa Instagram account ang larawan ng kanilang anak ni Judy Ann Santos na si Yohan, na ngayon ay nasa hustong gulang na habang naghahanda ito para sa kanyang graduation shoot.
“My big baby off to take her grad pic! Aykennat,” saad sa caption ng celebrity dad na hindi makapaniwala.
Sa comment section ng post, kahit ang mga tagahanga ng host sa telebisyon ay hindi naiwasang maging sentimental sa kung gaano kabilis lumaki si Yohan.
“I remember nung kinakarga mo pa si Yohan noon,” komento ng isang ineternet user.
“Agree aykennat where did the time go.”
Noon lamang Nobyembre nang magsagawa ng engrandeng selebrasyon sina Judy Ann at Ryan para sa kanilang anak sa 18th birthday nito.
Basahin: Judy Ann, Ryan’s daughter Yohan turns 18
Nagbigay ng mensahe si Judy Ann kay Yohan na nagdiwang ng kanyang debut.
Sa isang Instagram post, binalikan ni Judy Ann ang mga araw na nagdadasal lamang siya para sa anak.
“18 years.. just like that, time does really fly fast my love… 24 years ago i started praying for a baby when i turn 26.. in the same year that i turned 26, God gave me you,” madamdaming post ng aktres.
Dagdag pa ni Juday, masuwerte siya sa pagkakaroon ni Yohan na maraming naituro sa kanya sa buhay, “And how lucky I am to have you… You taught me a lot.. and up until now mommy’s still learning.. we grew up together.. literally.. and we are both blessed to have dad to guide and experience life and love with all our imperfections.”
You must be logged in to post a comment.