
“Nasa ‘Toni Talks’ kami!”
May teaser video man at behind-the-scenes clips na ibinahagi ang social media personalities na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario ilang araw na ang nakararaan, hindi inasahan ng kanilang followers na may mga nakaaantig na kuwento pa pala silang maririnig mula sa couple sa pag-guest ng mga ito sa “Toni Talks” ni Toni Gonzaga na inilabas nitong bago mag-Valentine’s Day.
Sa teaser kasi ay may mga nakatatawang clips ang makikita na kasama pa nila ang mag-asawang Pinty at Bonoy Gonzaga. Ipinakita rin dito ang car seat na gift ni Toni para sa kanilang anak na si Baby Meteor.
Sa full video, bukod sa nakatutuwang kuwento kung paano sila nagkakilala, naging emosyonal naman si Antonette sa ilang pagbabahagi kaugnay sa kanilang pinagdaanan ng partner bago naging maayos ang lahat sa kanila.
Matapos nilang mapag-usapan ni Toni na dahil sa isang TikTok video ni Whamos na ginaya ni Antonette kaya sila nagkrus ng landas, dumako sila sa pinakamasasakit na bahagi ng kanilang relasyon. Dito na hindi napigilan ni Antonette ang mga luha; nang dumako sa mga dahilan kung bakit niya natutunang mahalin si Whamos.
Makikita at mararamdaman mo ang sincerity sa paglalahad ni Antonette. Sa isa’t isa umano nila natagpuan ang katuparan ng pagiging buo, Pareho kasi silang galing sa broken home kaya’t nagkasundo sila na hindi nila kailangang maranasan ang ganoon sa bubuuin nilang pamilya.
Inamin din nila na masakit ang mga bashing na nakuha nila sa simula ng kanilang relasyon, lalo na noong nakarating pa kay Raffy Tulfo. Pinagbawalan din silang magkita noon dahil sa pagiging minor ni Antonette, ngunit pinili nilang ‘wag magpaapekto sa mga masasakit na salita sa kanila, lalo na sa usaping peperahan lamang nito si Whamos at hindi dahil sa itsura kaya sinagot ni Antonette.
Ang namamanghang ibinahagi naman ni Whamos ay noong tumigil ang buhos ng bashing matapos niyang ipost ang isang larawan nila ni Antonette na may caption na “ME: Wag mo sana ako maka muka Baby para di ka makaranas ng panglalait ng ibang tao.”
Sa pakiwari nila, doon siguro namulat ‘yung maraming tao. Tumigil umano ang mga panghuhusga. “Pagkatapos nun andami nang nagtatanggol sa akin.”
Sabi nga ni Whamos, “Ang importante ay maipapakita natin sa susunod kung ano ba talaga ang meron tayo.”
Pagtatapos naman ni Antonette, ‘yung mga problemang pinagdaanan nilang dalawa ang nagpapatatag sa kanila. “Kasi mahal talaga namin ang isa’t isa.” ‘Yun yun!
Bumuhos ang paghanga at pagpapalakas ng loob mula sa mga online users sa nasabing guesting nila.
“Sa simula pa talagang nasubaybayan ko na ang love story nilang dalawa..talagang matatag sila at pinaglaban nila ang mga pagsubok at pinanindigan..God bless you always at ituloy nyo lang ang nasimulan nyo!”
Panoorin sila:
You must be logged in to post a comment.