Dalawang nursing student na agad tumulong sa tindera na biktima, pinarangalan

Matapos mag-viral ang video ng dalawang nursing student na tumulong sa babaeng nagtitinda ng mangga na biglang ginilitan sa leeg ng isang lalaki, sila ay nakatanggap ng parangal dahil sa kanilang kabayanihan.

Kinilala ang mga nursing students na sina Angyl Fayth Ababat at Christina Joyce Noel Ona na taga-Cebu City na tumulong sa 54-anyos na  tindera ng mangga na ang buhay ay nalagay sa alanganin,

Nakuhanan naman ng CCTV ang pangyayari. Makikita sa video ang isang lalake na bigla na lamang lumapit sa tindera mula sa likuran saka hinila ang buhok nito at inasinta ito sa leeg.

Matapos ang pangyayari ay mabilis namang tumakbo ang suspek.

Samantala, makikita rin sa video sina Angyl at Joyce na agad namang lumapit sa tindera para tulungan ito bagama’t peligroso ang sitwasyon.

Tinakpan ng dalawa ang sugat ng biktima gamit ang isang t-shirt bilang pang-unang lunas.

Ayon sa panayam ng News5, natakot din umano si Angyl nang makita ang pangyayari sa harapan niya.

“Nasa isip ko po is ‘hala it’s dangerous’. ‘Di pa namin alam baka ako na ‘yung isusunod ni manong. But then I thought na hindi na lang ako magpapadala sa nervousness ko,” aniya.

Hindi naman umano iniwan ni Angyl ang biktima hanggang sa madala ito sa ospital.

Hero Students

Dahil sa kabayanihan ng dalawang nursing students ay pinarangalan sila ng University of Cebu at pinagkalooban ng scholarship dahil sa kabutihang ginawa nila.

Pararangalan din umano sila ng Cebu City Police office at ng LGU.

Ayon sa mga pulis, nananatili pa rin ang biktima sa ICU at nagpapagaling.

Nahuli naman ang suspek at napag-alamang live-in partner pala ito ng biktima at selos umano ang dahilan kung bakit nito ginawa ang ganoon sa babae.

Manok ng Bayan Award

Samantala, ginawaran naman ng Chooks-to-Go ng Manok ng Bayan Award si Angyl dahil sa kanyang kabayanihan.

Nabigyan din siya ng kanyang paboritong produkto mula sa Chooks-to-Go at kaunting tulong pinansyal para sa kanyang pag-aaral.

Ang nakabibiglang pangyayari: