
Muling dinalaw ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang aktres na si Kris Aquino na kasalukuyang nagpapagaling sa US.
Sa naunang post ni Kris sa Instagram ay hindi niya pinangalanan ang bise gobernador ngunit sinabi niyang nagpapasalamat siya sa effort nitong lumipad papuntang US para makasama siya sa kaniyang kaarawan.
“I have a wonderful support system from my 2 sons, Alvin, Rochelle, Ate Rome, old friends & new friends here in the US… But you need to be a very determined man of your word to fly 13 hours each way to spend a few days with me on my birthday. For his effort i am GRATEFUL…” sabi ng aktres sa kaniyang post.
Nagbahagi rin siya ng larawan na may quote na “Distance is just a test to see how far love can travel.”
Ganito rin ang naging caption ng post ni Vice Gov. Leviste nang magbahagi siya ng video kasama si Kris.
Samantala, nagbigay rin si Kris ng update tungkol sa kaniyang kondisyon at sinabing may nakitang isang red flag sa huling reading ng mga result niya.
“I promised myself after reading my latest results that had 1 unexpected & admittedly scary red flag (not autoimmune related) after iniyak ko na, TAMA NA. If ever that borderline number signals early detection, i am still blessed…IN FAITH I SURRENDER ALL to God,” pahayag ni Kris.
“Sa dami nyong nagdarasal for me, kung umabot na kailangan ng mas aggressive na treatment (at a higher dosage it’s considered chemotherepy) imposibleng hindi tayo pagbibigyan ng ating Mahal na Ama.”
Ikinuwento rin ni Kris sa kaniyang update na may nahanap na silang matutuluyan kung saan siya mag-a-isolate kapag nagsimula ang unang cycle ng treatments niya sa sa katapusan ng Pebrero.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para sa kaniya. “We are 14 hours behind PH time, in advance, THANK YOU because you continue to give me the best gift anybody in my situation could ask for, your prayers.”
You must be logged in to post a comment.