Manny Pacquaio pinabulaanan ang balitang hiwalay na sila ni Jinkee; nang-inggit pa sa date nila ng asawa

Pinabulaanan ng boksingero at dating Sen. Manny Pacquiao ang usap-usapang paghihiwalay nila ng asawang si Jinkee Pacquiao sa pamamagitan ng pag-post sa social media ng larawan ng kanilang coffee date.

Sa photo na ibinahagi ng dating senador ay makikitang masaya at tila wala namang problema sa relasyon ang dalawa.

“Coffee date with my beautiful wife @jinkeepacquiao,” saad sa post ni Manny.

Nagsimula ito sa isang YouTube channel na disabled ang comments section kung saan tahasan nitong ibinalita na hiwalay na ang mag-asawa at magpa-file na ng annulment si Jinkee.

Sa kanyang TikTok account naman ay nag-post si Manny ng video at pinapatamaan ang mga marites kaugnay sa kumakalat na hiwalayan ng mag-asawa.

“‘Yung mga Marites d’yan, baka mamatay kayo sa inggit. ‘Yung mga (nagchi-chismis) d’yan, paparusahan kayo ng ating Panginoon dahil sa mga ginagawa ninyo,” sabi ng boksingero.

“Alalahanin niyong mabuti, as they say, God is good all the time,” dagdag pa niya. (I-click ang imahe para mapanood ang TikTok video.)

Maraming netizens ang nagsabi na hindi totoo ang mga kumakalat na balita tungkol sa dalawa.

“‘Di talaga ako naniniwala sa tsismis lang, kaya hinanap ko page ni idol eh God bless you po.”

“Sabi ko na puro lang kabulastugan ang mga ibang content madami talagang marites ideal family kaya yan sila, God bless idol for all the time my idol.”

“Sir idol walang nagawa ang mga marites sir.”

“Akala ko totoo ‘yung balita kaya nalungkot ako.”

“Tama bahala na ang diyos sa kanila sir.”

Nag-post rin si Jinkee sa kanyang Instagram account at sinabing mahal niya at nasa tabi lamang siya ni Manny.

“Home is wherever I’m with you. By your side is where I want to be,” aniya.

“I Love You, babe!” dagdag pa ni Jinkee.

Kamakailan, isa nga sa mga nagtanggol sa celebrity couple ay ang kaibigan nilang talent manager na si Annabelle Rama. Sa pamamagitan ng kanyang IG page, sinabi nitong walang basehan ang naturang balita.

23 years nang kasal sina Manny at Jinkee. Mayroon silang limang anak na sina Emmanuel, Michael, Mary Divine, Queen Elizabeth at Israel.