
Nanghihinayang si Lolit Solis matapos malamang sususpindehin na ang ilang programa ng AllTV gaya ng Toni Talks ni Toni Gonzaga, Wowowin ni Willie Revillame at ang M.O.M (Mhies On a Mission) nina Mariel Rodriguez, Ruffa Gutierrez at Ciara Sotto.
Marami pa raw kasing lugar sa Pilipinas ang hindi naabot ng signal ng AllTV kaya dapat muna itong ayusin. Ang Channel 2 frequency na binawi mula sa ABS-CBN ang gamit ngayon ng kompanya ni Manny Villar subalit kakaunti na lang ang transmitter nito hindi tulad ng dati.
“Sayang nga dahil magaganda ang mga balak nilang shows pero dapat siguro ayusin muna ang signal,” wika ni Nay Lolit sa kaniyang Instagram.
Hindi rin daw umingay at tinangkilik ang Wowowin ni Willie Revillame dahil parang luma na ang konsepto nito. Mabuti pa umano ang mga lumang pelikulang ipinalalabas sa AllTV at marami ang nanonood.
“Kaya dapat lang na maayos muna ang lahat bago sila maging active. Mabuti pa nga ang mga old movies na ipinalalabas nila at talagang mataas ang rating, kaya tuloy tuloy ito,” ayon pa sa talent manager.
Sa isa pang Instagram post ay sinabi rin ni Nay Lolit na hindi niya inaasahan ang desisyong ito ng kompanya ni Villar lalo pa’t mayroon naman itong prangkisa at may puhunan rin.
“Pero isa ngang mahusay na negosyante ang All TV dahil nang makitang hindi nagpapasok ng kita ang mga programa na tumatakbo, instead na lumaki pa ang gastos, hinto muna,” ani Lolit.
Totoo rin umano ang lumabas na balitang ibibigay pa rin ng AllTV ang talent fee ng mga naapektuhang staff at personalidad bilang pagsunod sa kanilang nilagdaang kontrata. Mas Mabuti na rin daw ito kesa patuloy na gumastos ang kompnay gayung wala namang pumapasok na pera.
Mukhang wala rin daw nagawa ang mga celebrities gaya nina Willie at Ruffa Guttierez para palakasin ang rating ng bagong istasyon kaya tama lang na pag-aralan muna kung ano ang gusto ng mga viewers.
“Naku pray nyo Salve at Gorgy na sana maging active at succesfull ang All TV para dami trabaho at balik init ang showbiz,” pagwawakas pa ng beteranang kolumnista.
BASAHIN: Ogie Diaz may pasaring sa pagsasara ng ilang programa ng AllTV?
You must be logged in to post a comment.