Kris Aquino may madamdaming mensahe sa ika-63 kaarawan ni dating Pang. Noynoy Aquino

Naging madamdamin ang pag-alala ng aktres na si Kris Aquino sa kaarawan ng namayapang Kuya na si dating Pang. Noynoy Aquino.

Sa isang Instagram post ay nagbahagi si Kris ng mga lumang larawan kasama ang pamilya. Paliwanag niya, maaga siyang bumati ngayong taon dahil noong nakaraang taon ay masyado siyang emosyonal upang mag-post online.

Kuwento ni Kris, kaarawan ng kapatid noong isang taon nang matanggap nila ang 10 year multiple entry visa na matagal nilang hinintay. “That’s when the significance of the day dawned on me, and I started crying… then we all started crying because nagparamdam ka- by that time marami na kong nalaman na ginawa mo nang palihim to make sure ‘bunso’ and her boys would always be safe.”

Humingi rin siya ng tawad dahil sa pagiging “brat” niya.

“I’m sorry Noy for being a brat & wasting years. I’m sorry na nagpaka spoiled na nga May 18, 2021 para masilip ka- for once nag obey ako sa strict bilin ng doctor, when I should have been the REAL me & barged in para nayakap kita….” sabi niya.

Nagbahagi rin si Kris ng update kaugnay ng kaniyang karamdaman.

“Since mahilig kang mag regalo pag birthday mo, I know you, mom, and dad know maraming na ‘flag’ based on my latest tests… and medyo matindi the immunosuppressive therapy that i’ll need… Plus the 6 month isolation period after the 1st cycle regardless of what my doctors will choose. Bunso needs her FAITH to remain strong,” sabi ni Kris.

Dagdag niya pa, kagaya ng kapatid ay tahimik niyang nilalabanan ang sakit.

“Thank you for everything I never thanked you for. I hope you’ve noticed I’m more private now… I’ve seen the wisdom in quietly enduring my physical suffering- just like you, because that’s what courage is all about. Thank you to all who continue praying for us,” sabi pa niya.

“Happy 63rd birthday to the best Kuya any bunso could’ve wished for.”