
Bumaling sa social media ang host-actress na si Kris Aquino para ibahagi na nagkaroon siya ng panibagong kumpiyansa matapos makipagkita sa kanyang doktor.
Sa Instagram, ibinunyag ni Kris na mahigit tatlong buwan siyang naghintay para magkaroon ng face-to-face consultation sa kanyang doktor na “considered among the best.”
“I know I made the right choice because after months of uncertainty, he gave someone like me, suffering from multiple autoimmune conditions the most important element needed: the renewed confidence to HOPE that although it will be a long process, I do have a strong chance of getting better,” saad ng aktres kasabay ng pag-upload ng video na nagpapakita ng kanyang medical checkup.

Ipinakita rin ni Kris ang mga clip ng surprise visit ng kanyang “lifelong, loyal” na kaibigan, ang fashion designer na si Michael Leyva.
“‘Yung lumipad ka for just 4 nights, timing your trip so you’ll be here on the day I had my 1st checkup… Thank you for the GENUINE LOVE & EXTREME EFFORT. Super appreciated ko that you never fail to mention that I was one of the people who helped open the door for you — pero dapat malaman ng lahat you won’t be who you are NOW kung hindi ka creative, super sipag, always pleasant, still humble, kusang matulungin, concerned sa welfare ng employees mo and mapagmahal sa pamily,” aniya.
Si Kris ay nagbibigay ng update sa publiko tungkol sa kanyang kalagayan sa pamamagitan ng kanyang mga post sa social media. Kasalukuyan pa rin siyang nakikipaglaban sa multiple autoimmune conditions.
Basahin: Promise fulfilled! Kris Aquino ibinahagi ang mga larawan nila ni Josh, Bimby sa Disneyland
Kahit patuloy pa rin ang pagharap sa seryosong karamdaman ay tinupad ng celebrity mom ang pangako sa anak na si Josh na dadalhin niya ito sa Disneyland.
Matatandaang kamakailan lang ay sinabi ni Kris na nangako siya kay Josh na sasamahan niya ito sa “happiest place on earth.” Itinaon niya na rin ito sa pag-alala sa kaarawan ng namayapang inang si dating Pang. Cory Aquino.
“I really pray kayanin ko, even just 5 rides so kuya will have happy memories during this whole ordeal,” aniya sa naunang Instagram post.
You must be logged in to post a comment.