Kris Aquino, may espesyal na Birthday 2023 AVP mula sa ‘male best friend’ na si Vice Gov ML

Araw ng mga Puso o Valentine’s Day nang isilang ang Filipino television host, actress, producer, socialite at businesswoman na si Kris Aquino.

Sa ika-52 na kaarawan ng tinaguriang ‘Queen of All Media’ na si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino, o simply Kris, ay inilabas ng NicePrintChannel via YouTube ang isang espesyal na AVP (audio-visual presentation) na handog ni Vice Gov. Mark Leviste para sa kanya na kasalukuyang nasa Estados Unidos pa rin para sa kanyang treatments.

Dito ay isinalaysay ang ilang highlights sa buhay ni Kris kasabay ng pagpapalabas ng ilang larawan at mga videos ng kanyang kabataan hanggang sa kanyang mga naging ganap sa showbiz. Ibinalik ng AVP ang mga viewers sa panahon ng kasikatan at kalakasan ni Kris.

Basahin: Kris Aquino kumpiyansang gagaling na matapos makakuha ng bagong doctor, ‘I do have a strong chance of getting better”

Maririnig ang masiglang tinig ni VG Mark Leviste bilang voiceover sa mga clips na ipinapakita.

“Naaalala ko sinabi mo fourteen months old ka pa lang diretso ka nang magsalita. The baby book written by your Mom is a proof of it,” panimula niya sa AVP.

“Growing up you even thought you’d be a lawyer someday. Pero sa buhay dadalhin talaga tayo ng ating mga paa minsan hindi kung saan natin gusto o pinaplano kundi sa ating tadhana,” pagpapatuloy nito.

Sunod nang mapapanood ang mga naging kaganapan sa kanyang showbiz career hanggang sa bansagan siyang ‘Queen of All Media.’

Basahin:  Kris Aquino kay Batangas Vice Gov. Mark Leviste: ‘You’re my best male friend’

“Lumipas man ang ilang taon, ilang Valentine’s Day pa man ang lumaon, lagi naming aalalahaning nag-iisa ka lang sa buong mundo. Binibining Kristina Bernadette Cojuangco Aquino. Mabuting kaibigan, maasikasong anak, mapagbigay na kapatid, mapagmahal na ina,” dagdag pa nito. “Happy birthday!”

Kabilang sa mga bumati sa inihandang AVP ay ang kanyang kapatid na si Ballsy Aquino-Cruz, ang mga kaibigang sina Boy Abunda na may regalo opang aklat, si Cong. Len Alonte, Michael Leyva, Anne Binay, Dr. Katcee Estrella, Dr. Anthony Piano, Vina Verastigue, Check Ticsay (ang kanyang personal assistant), at pati si Jhamer Abag na avid fan administrator ng Kris Aquino World. Written greetings naman ang ipinadala ng iba pa.

Sa bandang huli ay nag-iwan ng mahaba at makwelang mensahe si Vice Gov. Leviste na kamakailan ay tinawag ni Kris na kanyang ‘male best friend.’ Pero ang pinaka-finale, siyempre, ay pagbati mula sa kanyang dalawang mahal na anak, sina Josh at Bimby.

Panoorin: