
Simula nang manumpa at maupo bilang pangulo ng Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay kinilala rin ng taumbayan kung sino-sino nga ba ang mahahalagang tao sa kaniyang buhay.
Bukod sa kaniyang mga anak na nasa larangan din ng politika, sinubaybayan din ng publiko ang bunsong anak nitong dalagita sa partner na si Cielito “Honeylet”Avanceña na si Veronica “Kitty Duterte. Siya ay 12 taong gulang noong 2016; taon kung kailan nagsimulang maging pangulo ang ama.
Dahil sa taglay na kagandahan ng kaniyang ina at angking-karisma ng kaniyang ama, maraming nagsasabi kay Kitty na “artistahin” ito at puwedeng-puwede itong pumasok sa mundo ng showbiz kung gugustuhin nito.
Sa katunayan, dahil sa taglay na ganda ay kinuha na ring endorser ng isang beauty product si Kitty dahil talaga namang may “K” siya.
Makikita sa kaniyang Instagram posts ang pak na pak niyang pag-awra kaya marami sa mga tagahanga at tagasuporta niya ang humihiling sa kaniyang mag-artista na rin siy; tutal naman daw ay instant celebrity na rin siya.
Subalit natapos ang termino ng kaniyang ama na hindi nakitaan ng pag-arte o pagganap sa harap ng camera ang anak nina Digong at Honeylet.
Kaya naman, hindi makapaniwala ang maraming mga netizen nang makita umano nila ang latest photo ni Kitty kung saan grabe ang glow-up nito, ayon sa ulat ng Balita Online.
Dalagang-dalaga na raw ang hitsura nito na puwedeng-puwedeng itabi sa mga sikat na artista sa Philippine showbiz.
Ngunit ang mas kapansin-pansin daw sa hitsura ngayon ni Kitty ay ang kaniyang ilong, na tila dumaan umano sa nose job o “rhinoplasty.”
Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, marami ang namangha nang masilayan ang tila pagbabago sa hitsura ni Kitty, batay sa “The Mindanao Basket,” at naibahagi rin sa “Philippine Rhinoplasty Group.”
“Grabe parang nagpalit ng ulo si Kitty Duterte ganda ng gawa ng nose niya❤️”, saad ng netizen na nagbahagi nito sa nasabing FB group.
Halos karamihan sa mga netizen na nagbigay ng kanilang komento ay pumuri at humanga sa magandang “pagkakagawa” sa ilong ni Kitty.
Anila, nais nilang malaman kung saang kilinika o kaninong doktor nagpaayos ng ilong ang dalaga upang dito na rin magpaayos, kung sakaling gustuhin nila.
Samantala, wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ni Kitty kung siya nga ba ang babae sa pinag-usapang litrato sa naturang FB group.
You must be logged in to post a comment.