
‘BoBrey’ (Boyet-Aubrey), ‘RitKen’ (Rita-Ken) ganyan sila tinawag at kinakiligan ng kanilang mga tagahanga matapos ang kanilang tambalan sa afternoon drama series na ‘My Special Tatay’ na pinagbidahan ni Ken noong 2018-2019.
Marami ang umasa at naniwala na may spark at chemistry sina Ken Chan at Rita Daniela kaya’t inasam ng kanilang followers na sana nga ay maging sila ngunit hindi ito nangyari sa real life.
Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” na inere nitong Pebrero 22, inamin ng 30-anyos na Kapuso heartthrob na si Ken Steven Angeles Chan ang ilang ‘truths’ sa kanilang ‘tandem’ ni Rita.
Sa kauna-unahang pagkakataon, sa harap ni Tito Boy ay inamin niya na nahulog talaga ang loob niya kay Rita. “Posible pala ‘yun no, na mahulog ka sa ka-loveteam mo,” aniya.
Inamin din niya sa simula pa lamang ng kanilang teleserye noon ay may kasunduan na sila. “O walang mai-in love sa sa isa’t isa ha. Pero na-fall sila. “Inamin namin sa isa’t isa kung gaano namin kamahal ‘yung isa’t isa, more than friends, more than katrabaho, beyond that. Pero alam namin ‘yung limitasyon namin. May sarili siyang priorities. Ako rin, Tito Boy.
Gayunman, kahit batid nilang may pagmamahal sila sa isa’t isa na higit pa sa pagiging loveteam, hindi ito natuloy sa isang relasyon na higit pa sa kanilang friendship.
Inamin din ni Ken na may ilang bagay silang hindi napagkasunduan ng aktres at nasaktan niya umano ang damdamin nito.
“‘Yung mga panahon na ‘yun pinaliwanag ko sa kaniya, nasa point ako na tinatayo ko ‘yung mga business na gusto ko and I wanna focus dun sa business at sa career ko dito sa industriya natin. Naintindihan naman niya pero hindi ko naiwasan na masaktan siya. Nasaktan ko siya,” emosyonal na nasabi ni Ken.
Nang kumustahin ni Tito Boy ang estado nila nagyon ni Rita, sinagot naman nito na maayos na sila. Ikinuwento pa nga sa host na pagkatapos ng kanyang guesting ay bibisitahin niya raw si Rita at ang baby nito.
Matatandaan na isinilang ni Rita (na 27 anyos na ngayon) ang kanyang si “Baby Uno” o si Juan Andres at ibinahagi pa ito sa kanyang IG account. “Aniya, “♡ Juan “Uno” Andres ♡ born December 22, 2022″
Isang non-showbiz businessman umano ang boyfriend ni Rita na ama ng kaniyang anak.
Basahin: ‘Baby Uno’ ni Rita Daniela, inaabangan ng kanyang mga tagahanga
Ang huling proyekto ng RitKen ay ang pelikula nila sa Metro Manila Film Festival – ang ‘Huling Ulan sa Tag-araw’, noong Disyembre 2021. Nagkasama rin sila sa ‘One of the Baes’ na isang Kapuso drama romance comedy na teleserye.
Samantala, narito ang revelation episode sa Fast Talk with Boy Abunda”
You must be logged in to post a comment.