
Sa dami ng celebrity couples na naghihiwalay sa mga nagdaang taon, marami sa mga netizens ngayon, lalo na ang mga single, na tila nakararamdam na raw ng “trauma” o pagkatakot sa pakikipagrelasyon, o paghahanap ng kanilang “The Right One.”
Kaya naman, talagang kabilib-bilib ang mga magkakarelasyon o mag-asawang tumatagal ng limang taon pataas sa kanilang pagsasama at pagbuo ng pamilya. Kagaya na lamang nina John Prats at Isabel Oli-Prats na sampung taon na palang kasal.
Kamakailan lamang ay nag-post ng mensahe ang dalawa sa kani-kanilang mga Instagram account para sa isa’t isa, dahil ipinagdiwang nila ang 10th anniversary nila bilang mag-asawa, ayon sa ulat ng Balita Online.
Para kay John Prats, hindi niya namalayan ang paglipas ng panahon. Ngayon kasi ay may tatlo na silang mga anak ni Isabel.
“Happy 10 years my Love! Grabe! Ang bilis ng panahon! Sa loob ng Sampung Taon, napakaraming nangyari, binayayaan tayo ng 3 anak at nabuo natin ang pamilya na pinangarap natin,” pahayag ni Pratty sa kaniyang IG post caption.
Pag-amin ng actor-direktor, kagaya ng ibang relasyon ay hindi rin naman masasabing perpekto ang kanilang pagsasama. Ngunit lahat ng kanilang mga pinagdaanan ay nakatulong sa kanilang dalawa upang mas maging matatag—at ngayon nga ay sampung taon na sila!
“Hindi perpekto ang relasyon natin, pero sa lahat ng seasons ay napagtagumpayan natin. Sa Hirap at Ginhawa nga ay ikaw ang aking makakasama! Maraming salamat sa pagmamahal na walang kapantay! I love you sooooo much!!! Salamat Lord God dahil lagi kang nakagabay sa amin.”
Sa kaniyang Instagram post naman, katulad ng sinabi ng mister, hindi rin makapaniwala si Isabel na na-survive nila ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa, sa kabila ng “challenges,” “differences,” at “disagreement.”
“They say time flies when you’re having fun. And it’s true! It has been 10 years since we met each other. Would be nothing if not for the love we have for each other and God. This anniversary is a blessing for the both of us. We’ve faced challenges and at times disagreements, but we still make it work by God’s grace,” ani Isabel.
“Through all of the laughter, the tears, and all that comes between, our relationship has grown stronger with each passing year. You also have made me a better person and you have grown as a man in many ways too.”
“God always makes things better than I could ever imagine. I am thankful that we have been guided, loved by God and for His amazing grace. Can’t help but look back in awe at how far we’ve come with thankful hearts that God has been the orchestrator of our lives and our love story.”
“Happy 10 years to us CUFF! Love you @johnprats,” mensahe ni Isabel sa kaniyang mister.
Congratulations, John at Isabel Oli-Prats! Happy anniversary!
You must be logged in to post a comment.