‘What a journey it’s been!’ Jane De Leon nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya bilang Darna

Nagtungo si Jane De Leon sa kanyang social media account at nagpahayag ng pasasalamat sa natatanggap na pagmamahal at suporta mula sa kanyang mga fans sa pagganap bilang ‘Darna’.

Sa kanyang mensahe sa Instagram, sinabi niyang masaya siya sa kanyang paglalakbay at nagpasasalamat sa production crew at staff ng Darna.

“What a journey it’s been!

“Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng bumubuo ng Darna. To JRB, the Directors, staff, crew, utilities and SOs, maraming salamat po sa inyong hardwork, patience at pagpupuyat. Matagumpay nating naipahatid sa ating mga manonood lalo na sa mga kabataan ang laban ni Darna,” panimulang sulat ni Jane.

Hindi lamang iyon, lubos din siyang nagpasalamat pati na rin sa kanyang mga ka-team at home network sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong gumanap ng makabuluhang papel.

Inamin ng aktres na maraming bagay ang itinuro sa kanya ng role na “Darna” at nagbukas din ng mga bagong oportunidad para sa kanya at sa kanyang pamilya.

“To my TEAM Family, especially my Manager Tyronne Escalante.. Salamat sa gabay at ala-ala. Thank you ABS-CBN Management & Ravelos Family for trusting in me to portray the iconic role. Ito po ang biggest break ko – it has taught me a lot and has opened new opportunities for me and my family,” saad ng aktres.

Nagpasalamat din siya sa kanyang co-stars at sa kanyang pamilya na sumuporta sa kanya through ups and downs.

Inihayag ni Jane ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga tagahanga, at sinabing niya hindi ito malilimutan at mahal niya ang kanyang mga tagahanga at patuloy na sumusuporta sa kanya.

“And syempre, di ko pwedeng kalimutan ang mga fans na laging nanjan, nagmamahal at sumusuporta sa lahat ng kaganapan ko. Mahal ko kayo,” pasasalamat ng Kapamilya aktres.

“Hinding-hindi mawawala si Darna, nanjan sya palagi para sa inyong lahat. This is Jane de Leon, see you on the next new and exciting chapter,” aniya pa.

Noong Pebrero 10 nagtapos ang seryeng Darna na pinalitan ng ‘Ang Batang Quiapo’ na pinagbibidahan ng Primetime King Coco Martin at mapapanood gabi-gabi.