
Sa wakas ay kinumpirma na nina AJ Raval at Aljur Abrenica na sila ay nasa isang committed na relasyon na kasunod ng ilang buwan na espekulasyong umikot sa social media.
Sa isang post sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni AJ ang larawan nilang magkahawak-kamay ni Aljur sa isang beach noong Valentine’s day.
“I’ll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally,” saad sa caption ng aktres, na may kalakip na heart emoji. Agad naman itong pinusuan ni Aljur na maituturing na isang kumpirmasyon na rin.
Hindi rin naman nagpahuli ang aktor at nag-upload rin ng larawan na magkaakbay sila habang nasa tabi ng motorsiklo na patunay na sila na nga! Nagkomento naman dito si AJ ng tatlong heart emojis.
Nagbigay naman ng iba’t ibang reaksyon at komento ang mga netizens sa post ng dalawa.
“Kunwari talaga nagulat kami.”
“Naol. Flex na after 1M denials.”
“Bat kasi walang ibang reaction, heart lang.”
“Araw ng puso ngayon di ba bakit parang araw ng ampalaya ang comment section 😂😂😂 move on na may kanya kanya na silang karelasyon. si Kylie yung tattoo artist na kung todo deny din nya sa tingin nyo maglalantad ang mga yan kung wala silang mga hawak na ebidensya sa isa’t isa eh di magkasuhan sila ganun lang yun pero since ok na sila at maayos naman ang parenting nila sa mga anak nila kaya kayo move on na” ✌️✌️
“Jusmiyo daming bashers affected… inantay lang ni Aljur mauna si Kylie magpost ng jowa n’ya. Move on na kayo sila nga may kanya kanya ng buhay.”
“Dideny pa. Pe-flex din nman pala.”
“Aj, nakakalungkot. You are now declaring urself as a ”the other woman” Legally, Kylie and Aljur are still married, binded by vows 😭😥 Sana magiging matatag ka when consequences come.”
Matatandaang noong Nobyembre 2022, sinabi ni Ogie Diaz na ayon sa kanyang source, isinilang na raw ni AJ ang kanyang baby sa isang ospital na matatagpuan somewhere in Pasig City.
Sa simula ng kanilang online show, sinabi ni Ogie sa kanyang mga co-host na, “May nag-confirm na si AJ Raval ay nanganak na.”
Basahin: Jeric Raval itinangging buntis o nanganak si AJ Raval; nakiusap na tigilan na ang isyu sa anak
Itinanggi naman ng aman na si Jeric Raval na nanganak na ang kaniyang anak sa gitna ng bali-balitang nabuntis ito ni Aljur na matagal nang nauugnay sa aktres.
Tungkol naman sa isyu ni AJ, turan ni Jeric, “’Yung mga naglabasang isyu dati kay AJ na… actually, matagal na ‘yun e. Nagtataka ako bakit hanggang ngayon hindi pa nanganganak… may buntis, ilang buwan na overdue na,” wika ng aktor.
You must be logged in to post a comment.