
Sino ba naman ang hindi mamamangha na sa kabila ng ilang taong agwat ng edad ng iyong mga anak ay magkakapareho naman ang birth date nila?
Ibinahagi ng netizen na si Pamn Faye Hazel Cabañero sa social media ang kakaibang pangyayari kaugnay sa araw ng kapanganakan kanyang tatlong anak.
“Hindi ko inasahan pero ipinagkaloob!” namamanghang ibinahagi ng ina ang kanilang kuwento kalakip ang larawan ng birth certificate ng kanyang mga anak.
Aniya pa, “Every 3 years dumadating sila at saktong January 27 pa ipinapanganak! Yung matres ko ayun lang yata ang kilalang date eh… Saganang salamat po Mahal na Panginoon sa kakaibang pagkakataon na ito!”
Ayon kay Pamn, isinilang daw ang panganay nila noong 2017; taong 2020 naman ang pangalawa habang isinilang lamang nitong taon sa kaparehong petsa ang kaniyang bunso.
Sinabi rin ng ama na si Herbert Hernandez Cabañero na normal na isinilang ang kanyang mga anak. Ayos ah triple celebration nga hahaha!
“Napaka bihirang mangyari na sa bawat 3 taon nanganganak ang asawa ko sa magkakaparehong date at take note normal delivery po iyan lahat kaya walang daya…hehehe,” saad sa Facebook account nito.
Tunay namang bihirang-bihira ang pagkakataong ito.
Ayon sa Guinness World Records, hawak ng limang magkakapatid ang pagkilala bilang “most siblings born on the same day.” Sinasabing 1 out of 17.79 billion ang tiyansang mangyari ito — na ilang beses na mas malaki kaysa sa populasyon ng daigdig.
“Saganang salamat po Mahal na Panginoon sa kakaibang pagkakataon na ito!” banggit pa ni Pamn.
Kaya naman pinaghahandaan at pinag-iisipan na rin daw ng mag-asawa kung paano nila ipagdiriwang ang Enero 27 sa susunod na taon, lalo na’t triple umano ang pagiging espesyal nito sa kanilang buhay.
Marami naman ang natuwa at nagbahagi ng post ng mag-asawa sa kakaibang sitwasyon ng magkapatid kahit magkakaiba naman ang age gap nito.
“Tipid ito. Isahang bday celebration.”
“Shooter si Mister, congrats po!”
“Wow, lahat ng nanay mapapa sana all na lang! Naol! Dapat isang handaan na lang lalo na sa panahon ngayon mahal lahat ng bilihin”
“Hirap pumunta sa birthday party nito, obligado na my 3 kang regalong dala dahil may magtatampo pag wala kang regalo para sa dalawa, sana all isang handaan nalang.”
“Yan talaga ‘yung tinatawag na family planning.” lol
“Pasalamatan n’yo din si mister, alam n’ya kung kelan ang cycle at production.”
You must be logged in to post a comment.