
Inamin ng legendary OPM artist na si Freddie Aguilar na hindi pa niya tinatanggap ang kanyang anak na si Maegan na pumasok sa kanyang tahanan sa kabila ng apela ng huli.
Matatandaang naglabas na ng pahayag si Maegan noong Enero 2023 sa kanyang ama para humingi ng tulong dahil sa kanyang kondisyon na hyperthyroidism.
Isinalaysay ni Maegan sa public service program na Raffy Tulfo in Action na umalis na siya sa custody ng kanyang ama noong siya ay 16 years old pa lamang.
Nilinaw ng RTIA na ipinadala na ni Freddie ang kanyang tulong kay Maegan at inayos ang mga bayarin nito sa ospital. Gayunpaman, tila hindi pa rin siya nasisiyahan sa tulong na kanyang natanggap.
“‘Tay, wala kasi akong ibang tatay, kayo lang, e. Hindi ko na po alam kung paano ito ayusin, unless din po willing kayo na tanggapin for who I am, what I am,” mensahe ni Maegan sa kanyang ama.
Sa isang panayam kay Aster Amoyo, nagsalita si Freddie sa unang pagkakataon para tumugon sa kanyang anak.
Inamin niya na hindi niya pinapasok si Maegan sa kanyang tahanan, sa kabila ng katotohanan na doon nakatira ang anak ng huli.
“We are talking but she’s still not allowed in my house. Kasi nasa akin ‘yung anak niya si Anaya. Pinag-aaral namin pati ‘yung isang apo namin si Sky na nasa bahay din” wika ng singer.
Paliwanag ni Freddie, gusto niyang baguhin muna ni Maegan ang sarili bago niya ito payagan na bumalik.
“Si Maegan, hindi siya pwede ‘don until malaman ko na talagang nagbago na siya. Kasi sinasabi niya sa’kin ‘tay nagbago na po ako. Sabi ko anak hindi mo kailangang sabihin na nagbago ka sa akin. Ako malalaman ko ‘yun anak.” anito.
‘”Pagka alam ko na nagbago ka, ako mismo ang magsasabi sa’yo anak halika nagbago ka na e, pero hindi mo kailangan sabihin. May kasamang action ‘yan. With what you’re doing now, ‘di ka pa rin nagbabago,” dagdag pa niya.
Panoorin ang panayam ni Aster Amoyo kay Freddie:
You must be logged in to post a comment.