
Noong kaarawan ni Antonette Gail Del Rosario, Enero 30, ay sinurpresa siya ng partner na si Whamos Cruz sa pamamagitan ng surprise gifts na sari-saring bags atbp. Mahilig daw kasi si Tonette sa mga bag. Pero sa isang bahagi ng video ay narinig ang tinuran ni Antonette na akala niya ay singsing na. (Umasa ba?) May bumulong daw kasi sa new mom. hahaha Spoiler alert!
‘Yun pala sa Araw ng mga Puso inihanda ni Whamos ang proposal sa kanyang ‘Mahal.’
Sa ilang posts ay hindi napigilan ni Antonette na i-share sa kanilang followers ang masayang kaganapan. Lubos nang inilalagay ni Whamos sa tama at mabuti ang kanilang relasyon na para sa kanila ay pang-forever. Level up na!
“ITS A YES! 💍💖, ” sabi ni Antonette sa isa niyang happy post. “Akala ko matutulog lang kami ngayon. 🤣 Happy Valentines Day Everyone 🌻💛 Sinakto sa Valentines day hehe.”
Dito pa lang ay bumuhos na ang mahigit 13k na pagbati sa comments section para sa new milestone nila.
Basahin: Antonette Gail sinurpresa ni Whamos sa 19th birthday nito; ibinida ang ‘best gift’
Sa isa pang post niya ay ibinahagi na ni Antonette ang video ng proposal. Aniya, “Finally, engage na kami.”
Sa video ay mapapanood na idinaan pa ni Whamos sa isang ‘jowa challenge kuno’ gamit ang ilang itlog bago ang kanyang proposal. Buong akala ni Antonette ay para ito sa kanilang content bilang vloggers.
Nang nakapiring na ang mga mata ni Antonette ay mabilis na sinet-up ng mga kakutsaba ang poster para sa proposal at nakaabang na rin ang mga in charge sa ‘flower shower’ at flower decorations atbp.
Ang mensahe ni Whamos at reaksyon ni Antonette ay mapapanood sa proposal video. “Totoo ba ‘to?” paulit-ulit na naitanong ng huli kasabay ng happy tears. (Click image below para sa video.)
Basahin: Mga rebelasyon nina Whamos, Antonette sa ‘Toni Talks’ hinangaan, umantig sa netizens
Sa kanilang guesting sa Toni Talks kamakailan kasama ang host nitong si Toni Gonzaga ay inihayag nila ang katapatan sa kanilang relasyon. Sabi nga ni Whamos, “Ang importante ay maipapakita natin sa susunod kung ano ba talaga ang meron tayo.”
Pagtatapos naman ni Antonette, ‘yung mga problema umano na pinagdaanan nilang dalawa ang nagpapatatag sa kanila. “Kasi mahal talaga namin ang isa’t isa.”
At sealed with a ring and a kiss na nga ang bagong status ng couple vloggers. Isinama na rin si Baby Meteor sa engagement photos. Wedding bells na ang susunod! Malamang, isang beach wedding para hindi na raw magastos sa kasuotan. Congratulations, Whamonette!
You must be logged in to post a comment.