Baby Meteor kinawilihan dahil sa paulit-ulit na pagngiti; may life insurance na

Lubos ang hatid na saya ng isang sanggol sa mga magulang na labis na nasabik sa kanyang pagdating sa kanilang buhay. Alam ‘yan ng maraming magulang. Every baby is a gift, sabi nga. At tunay ngang itinuturing nina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario na the best gift ang kanilang anak na pinalayawan nilang Baby Meteor.

Maraming nakiabang sa dalawa sa pagdating ng kanilang anak kaya nang ito ay isilang, lalong dumagsa ang sumusubaybay sa mga kaganapan sa kanilang cute na cute na anak.

Bukod sa Facebook page na may 764K followers na, mayroon na ring Instagram account ang sikat nang anak nina Whamos at Antonette, mga content creator at social media personalities; idagdag pa ang kanilang pagiging entrepreneur.

Sa isang Facebook post ay ibinida ng new mom ang video ng anak kung saan ay makikitang paulit-ulit itong ngumingiti habang natutulog. Kaya naman hindi na nakapagpigil pa si Antonette at finlex ang moment na ‘yun na naghahatid sa kanya ng labis na saya.

Aniya, “mga ngiting nakakatanggal ng pagod.”

Maririnig mo ang tinig nilang dalawa habang tuwang-tuwa sa bawat pagngiti ng anak. “Smile…smile anak,.” bulong ni Antonette dito at tila naiintindihan naman ng sanggol pagkat ngiti talaga ito nang ngiti kahit nakapikit.

Marami namang naka-relate sa eksenang ito ng mag-anak. Bumuhos ang mga komento na umabot na nga sa mahigit 15,000! Grabe kasi sa cuteness ang Baby Meteor.

“Congratulations Antonette for having such a cute and adorable baby …..God bless your family..stay strong!!””

“So Sweet Smile of a Lovely Angel Mateor, God Bless your Parents.”

“Ganyan talaga bagong panganak, pangiti ngiti tas bglang iyak linalaro ng Guardian Angel niya.”

Sa isa pang video ay buong pagmamahal nilang finlex ang kanilang Baby Adriel Meteor. Anila, “Di ka nakakasawang tignan anak!”

Sa isa pang pagbabahagi ay inilahad naman ni Whamos na may life insurance na ang kanilang anak at tumataginting na cash pa ang kanilang ibinayad dito. Sinecure na nila ang future ng kanilang anak. Marami ang napa-‘sana all’.

Sabi nga ni Whamos, “Bayad na si Baby Meteor ng insurance.” 

All is well!