
Labis na hinangaan ng mga netizen ang kakaibang likhang-sining ng Multimedia Art student na si John Chris Quijano Labrado, tubong San Fernando, Cebu, na may mensaheng babalik din sa kalikasan ang kaniyang katawan kung sakaling lilisanin na niya ang mundong ibabaw.
“When I die, my flesh will become one with the nature,” aniya sa caption ng kaniyang pinag-uusapang Facebook post.
Sa ulat ng Balita Online, ang ginamit umano ni John Chris na medium sa paggawa nito ay photoshop at minimal blender 3D. 1 oras at 56 minuto aniya ang iginugol niya rito upang matapos niya ang kaniyang kamangha-manghang obra maestra.
Ang nangumbinsi umano sa kaniya upang gamitin ang talento sa sining sa pagpapaalala ng ganda at halaga ng kapaligiran ay ang kaniyang mga magulang, na pareho ding environmentalist.
Makikita sa obra ni John Cris na ang kalahati ng kaniyang mukha at katawan ay tila mga ugat at kahoy. makikita rin dito ang kaniyang tila body organs. Ipinaliwanag niya na ang pagiging iisa ng taong lumisan na at ng kapaligiran ang pinagmulan ng kaniyang konsepto.
“It’s like becoming one with nature. Once we die, our body will become part of nature and for me is kinda awesome and fascinating. [It’s] the concept of burying your deceased loved ones and planting trees above it so that your flesh and body can serve as fertilizer,” salaysay niya.
Hindi umano makapaniwala ang artist na magugustuhan ng mga netizens ang kaniyang obra maestra. Pakiramdam daw niya ay lumulutang siya sa alapaap.
“I feel like I’m on a cloud nine, over the moon,” aniya. “It seems like everyone embraces this art of mine,” aniya.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizens sa kaniyang obra maestra:
“That’s incredible!!”
“Parang totoo yung mga body organs.”
“Angas boss!”
“I always admire your art!”
“Kudos, galing mo!”
Isa pa sa kinabiliban ng mga netizens ay ang artwork niyang “The anatomy of myself” na makikita rin sa kaniyang Facebook post.
Nagpasalamat naman si John Cris sa lahat ng mga pumupuri at humahanga sa kaniyang likhang-sining.
Napakahusay naman kasi talaga!
You must be logged in to post a comment.