
Sa Facebook page na Pokemon Philippines ay humila ng atensyon ang post na ibinahagi ng isang lalaki patungkol sa pagiging supportive ng kanya ina sa kanyang nakahiligang Pokemon products o items.
Flex ni John Paul De Leon sa kanyang ina, “Sa sobrang supportive ni mama, lahat ng makita nyang damit or stuff sa palengke at sa ukay-ukay na related sa Pokémon, binibili n’ya for me. Hahaha.” hahaha
Nilakipan pa niya ito ng kanilang larawan kung saan ay makikitang suot suot niya ang pulang pambahay at shirt na parehong may disenyo ng Pokemon characters.
Maraming naaliw sa ibinahagi ni John Paul at humakot ng maraming tawa at puso ang kanyang post.
Ito palang si John Paul ay matagal nang fan ng palabas na Pokemon, mula pagkabata pa, kaya’t nangongolekta siya ng mga bagay na konektado sa Pokemon.
Noong una raw ay ayaw ng kanyang Mama Edna sa kanyang nakahiligan kaya naman nagulat siya nang uwian siya nito ng damit na may disenyo nito. hahaha Pati si Nanay hindi na naawat sa pagbili ng iba pang Pokemon items.
May dahilan naman pala kaya ayaw siyang bilhan noon ng kanyang ina ng Pokemon toys. Imbes na ibili ng laruan ay pambaon sana ang layon ng kanyang ina lalo na’t hindi naman sila mayaman. Kaya naman lalong nagsikap si John Paul upang makaya na nilang mabili ang mga gusto niya at makaahon na rin sa buhay.
Kasalukuyan nang nagtatrabaho si John Paul, edad 25, sa corporate world bagama’t Education ang tinapos niya. Naroon pa rin pala ang hilig niya sa Pokemon characters ngunit hindi naman ito ang sentro ng kanyang kasiyahan. Mas mahalaga daw sa kanya ang mapasaya ang kanyang ina na si Nanay Edna.
Masaya naman si Nanay Edna dahil nakapagtapos ang anak niya. Sumulit nga naman ang lahat ng pagpupursigi nito.
Pokemon
Ang Pokémon ay pinaiksing Pocket Monsters in Japan; isang Japanese media franchise na pinamamahalaan ng The Pokémon Company, na itinatag ng Nintendo, Game Freak, and Creatures. Ang prangkisa nito ay ginawa ng Satoshi Tajiri taong 1996. Nakasentro ito sa mga fictional creatures na kung tawagin ay “Pokémon”.
Samantala, panoorin ang mag-ina sa feature story na ibinahagi ng Teleradyo matapos nilang mag-trending:
You must be logged in to post a comment.