Alex Gonzaga tinapay ang ibinigay sa kaarawan ng ama; ‘Mag-iiwas-iwas na rin kayo sa cake, mahirap na’

Bumaling sa social media si Alex Gonzaga para batiin ang kanyang amang si Carlito Gonzaga ng isang maligayang kaarawan noong Pebreo 5.

Sa Instagram, sinabi ni Alex sa kanyang ama na hindi niya ito bibigyan ng birthday cake para maiwasan ang kontrobersiya. Sa halip ay binigyan niya ito ng tinapay.

“Happy birthday daddy! Love you always,” saad sa caption ng aktres sa kanyang IG post.

“Pasensya ka na tinapay na lang muna mapapadala ko sayo pambirthday. Mag iiwas iwas na rin kayo sa [cake] mahirap na,” dagdag pa niya.

Nakatanggap naman ng mahigit 81,500 likes ang kanyang post at maraming bumati kay Daddy Bonoy.  ^_^

Basahin: Alex Gonzaga inulan ng batikos matapos ang pamumunas ng icing sa kaniyang birthday cake

Umani ng batikos ang content creator matapos makuhanan ng video na pinahiran ng icing ang isang staff na nag-abot ng kaniyang birthday cake.

Nagdiwang ng kaniyang ika-35 kaarawan si Alex kasama ang ilang mga kaibigan, kabilang na si Dani Barretto, na nagbahagi ng video clip habang hinihipan ng aktres ang kandila sa kaniyang cake. Matapos nito ay makikitang ipinunas niya ang icing sa noo ng lalaking may hawak ng kaniyang cake.

Basahin: Alex Gonzaga sinurpresa ang mga taga-suporta

Kamakailan ay personal na nagpasalamat si Alex sa mga netizens na patuloy ang pagbibigay sa kaniya ng suporta.

Sa ibinahaging vlog ni Alex ay sinabi niyang noong isang taon pa niya planong ilunsad ang bagong segment na “Dear Alex” kung saan tutuparin niya ang kahilingan ng kaniyang subscribers.

“Namili tayo ng limang e-mails na ang hinahanap nila is just to meet me. May mga ibang nag-request, meron namang mga ibang talagang gusto lang magpa-picture with me. So for today, tayo ay pupunta sa kani-kanilang mga bahay. Susurpresahin natin sila. Kunwari meron silang pre-interview at imi-meet natin sila,” aniya.

Pinuntahan ni Alex ang ilan sa kaniyang mga taga-suporta mula sa Cavite, Rizal, Manila, at Taguig. Ibinigay niya rin ang hiling ng dalawa sa mga ito na magkaroon ng iPhone.