Aiko Melendez dismayado sa airline sa pagkasira ng kanyang bagahe, ‘What happened to our luggage?’

Inihayag ng aktres at at Quezon City councilor na si Aiko Melendez ang kanyang pagkadismaya sa isang airline dahil sa kanilang bagahe na nasira habang nasa biyahe papuntang Taipei, Taiwan.

Nagtungo sa social media si Aiko at tinanong niya ang PAL kung ano ang nangyari sa kanilang bagahe, kalakip ang ilang litrato na in-upload kung saan kitang-kita na nawarak ang bandang ibaba nito.

“Philippine Airlines what happened with our luggage? Our belongings should be treated with care. It was not a full flight, but I’m wondering what went wrong,” dismayadong sabi ng beteranong aktres.

Ayon pa kay Aiko ang nasabing luggage ay kilalang matibay kaya mahal ang presyo nito.

“Rimowa is known to be a heavy-duty luggage it takes a lot of force for this to be damaged. [sad emoji] #disappointed,” malungkot niyang sinabi.

Sa comments section, tinanong ng negosyanteng si GP Reyes si Aiko para sa karagdagang detalye tungkol sa nangyari.

Sa kanyang reply, sinabi ni Aiko na kararating lang niya sa Taiwan nang makita niya ang pagkabasag ng kanyang bagahe.

“I just arrived in Taiwan…and when our luggage got out of the carousel ganyan na bro. Tapos we were looking for a counter na we can report this, walang counter,” sabi pa niya.

“I received a message from IG bro they said I should have filed a complaint? How bro eh wala tao and yung isang kausap namen di marunong mag-English,” dagdag pa ng aktres.

Ang Facebook administrator ng PAL ay tumugon sa post ni Aiko.

“We are truly sorry for the inconvenience that this has caused. We understand how important your baggage is. We have noted that you have also reached out to us via Instagram. We assure you that we are looking into this matter and we’ll get back to you with updates via direct message. Thank you,” komento ng PAL.