Zanjoe Marudo inamin na may relasyon na sila ni Ria Atayde, ‘So yes’

Sa wakas ay inamin na ng aktor na si  Zanjoe Marudo na may relasyon na sila  ngayon ng aktres na si Ria Atayde.

Naganap ang pag-amin ng 40-anyos sa “Headstart” ng ANC noong Martes ng umaga nang tanungin siya ng host na si Karen Davila kung totoo bang may karelasyon na ito.

Walang pag-aalinlangan, sinabi ni Marudo: “Yes, parang it’s out in the open naman na, so, yes.”

Pero tawa lang ang isinagot ni Marudo nang i-prod ni Davila kung plano niyang magpakasal sa lalong madaling panahon.

“Ang aga, 9 o’clock pa lang,” sabi ng aktor habang tumatatawa.

Gayunpaman, nilinaw ni Marudo na ang pag-settle down ay hindi pa niya nakikita sa malapit na hinaharap.

“Sobra lang akong nag-e-enjoy ngayon sa sitwasyon ng buhay ko, sa career ko, sa personal life pero yung mga (kasal na usapan), masyado pang maaga,” anito pa.

Noong Oktubre ng nakaraang taon lang nang umamin ang screen veteran na si Sylvia Sanchez na nililigawan ni Marudo si Atayde.

Basahin: ‘Nagliligawan’: Sylvia Sanchez ibinahagi ang nalalaman sa ugnayan ng anak na si Ria kay Zanjoe

Sa nasabing panayam, hindi rin naman itinago ni Sylvia na nasa ligawan stage ngayon ang dalawa, bagama’t tiniyak nito na wala pa talagang malinaw na pag-amin mula sa dalawa.

“Pero, nagliligawan. Parang nagpaparamdaman, ganoon. Pero hindi ko masabi na oo talaga, kasi wala pang pag-amin, e. Wala pa talaga,” wika niya.

Matatandaang marami na rin ang naging fan ng dalawa nang mapanood ang onscreen chemistry nila sa 2017 series kung saan nakasama nila sina Heart Ramos, Coney Reyes, at Bela Padilla sa main cast.

Noong Agosto 2022, kumalat sa social media ang mga larawan nilang magkasama sa New York, na nag-udyok sa espekulasyon tungkol sa kanilang status.

Basahin: Moments nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo kinakiligan sa social media

Samantala, tignan ang ngiti ni Zanjoe sa video ng ANC: