
Excited ang content creator at social media personality na si Whamos Cruz, 25, sa bagong yugto ng kanilang buhay ng partner na si Antonette Gail Del Rosario, 18, na nito lamang Enero 23 ay nagsilang ng kanilang unang supling, si Baby Meteor.
Mula sa pagle-labor ni Antonette ilang araw bago ito nanganak hanggang sa tuluyan na nitong nailuwal ang kanilang anak na lalaki ay masinsing naidokumento ni Whamos ang mga kaganapan. Ganoon sila kasaya na ibahagi sa kanilang mga fans at followers ang mga kaganapan sa kanilang ‘Baby Meteor Journey’.
Kaya naman nitong Enero 26, masaya rin niyang finlex ang unang larawan nila bilang isang pamilya.
Aniya, “1ST PICTURE WITH BABY METEOR AND MAHAL.”
Agad naman itong pinusuan ng kanilang mga tagahanga at umabot na ng mahigit 220K ang reactions at 16K ang mga komento ng patuloy na pagbati sa bagong milestone nila ni Antonette.
Sinamantala na rin ni Whamos ang pagkakataon at inimbitahan ang netizens na i-follow na rin ang Facebook page ni Baby Meteor.
Wow! Celebrity baby na kasi si Baby Adriel Meteor D. Cruz. As of writing ay nasa 430K na ang followers ng sanggol at may 218K likes na…and counting pa!
At dahil ito ay kay Baby Meteor na space, siyempre, ang unang post dito ay ang kanyang documented na pagsilang.
Makikita rito ang video nila ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang inang si Antonette. Mula sa pagle-labor hanggang sa tuluyan na ngang nasilayan ni Mommy si Baby Meteor sa delivery room. Kasama na rin dito ang masayang pagsalubong ng kanyang Daddy Whamos na labis na nagdasal na makaraos silang mag-ina nang maluwalhati.
Ang isang nakagugulat ay ang profile pic ni Baby Meteor! Akalain mo ‘yun. Walang kamalay-malay ang sanggol na ang DP niya na kuha habang siya’y tulog ay humakot na ng mahigit 51k shares, 362K reactions at lampas 22,000 comments! Aba, super sikat ka na talaga, Baby Meteor!
You must be logged in to post a comment.