
Gaano ba kasarap maging ama?
Ang comedian-actor na si Smokey Manaloto siguro ang masarap pasagutin sa tanong na iyan ngayon.
Sa isang Facebook post ay finlex niya ang isang masayang tagpo nila ng kanyang anak na si Kiko na ngayon ay limang buwang gulang na.
Aniya, “Isa sa pinakamagandang umaga ko… Magandang umaga po sa inyong lahat!” Kalakip nito ang video clip nilang mag-ama na ibinahagi niya sa FB page nilang mag-ama na “Kiko and Tatay Moks”.
Madamdaming mensahe niya sa video, “Ang sarap gumising pag ganito ang “Alarm clock” mo. (emojis) Pakiramdam ko humahaba ang buhay ko kapag naririnig kitang tumatawa, anak.”
“Ang galing mo talaga, Lord,” pagpapatuloy niya. “Alam na alam mo ang kailangan ko sa buhay ko at kung kailan mo siya ibibigay sa akin.”
Sinundan niya ito ng pasasalamat sa Ama. “Thank you very much, my Lord… for giving me a chance to be a father…”
“Hinding-hinde ko po sasayangin ang pagkakataon na ito..,” pangako niya sa Diyos kasunod ng paghalik sa kanyang itinuturing na regalo mula sa Ama na tawa naman ng tawa dahil sa labis na saya.
Basahin: Smokey Manaloto tatay na sa edad na 51; ‘Akala ko huli na pero hindi pa pala’
“Lord, maraming salamat po sa Christmas gift na binigay niyo po sa akin noong August 4,”
Masayang ibinahagi ng aktor sa kanyang social media account noong Agosto ng nakaraang taon na siya ay isa nang ganap na ama sa edad na 51; kasabay ng pag-welcome nito sa kanyang unang anak sa non-showbiz partner.
“Sabi nila, ‘Wala ka nang pag-asa.’ Sabi nila, ‘Huli ka na sa biyahe.’ Akala ko nga huli na pero hindi pa pala,” tuwang-tuwa at hindi makapaniwala si Smokey (Brian Paul sa tunay na buhay) na ama na nga siya.
“Ladies and gentlemen, we would like you to meet our ‘Kiko’ Manaloto,” sabi ni Smokey habang nag-flash sa video ang mga litrato niya na buhat buhat ang anak na lalaki.
Basahin: Papuri bumuhos sa anak ni Smokey Manaloto; ‘so gwapo ni Kiko, worth the wait’
Sa kasalukuyan, si Smokey ay gumaganap bilang siDelfin Serrano, isang mapagmahal na asawa at mabait na ama, sa pinakabagong serye ng GMA, ang “Underage” na nagsimula nito lamang January 16 sa GMA Afternoon Prime.
Hindi pa Araw ng mga Ama pero para kay Daddy Moks, araw-araw ay Father’s Day!
Panoorin ang kanilang masayang umaga;
You must be logged in to post a comment.