Look! Well-loved celebrity sisters Vina, Shaina magkasamang nagbakasyon sa Indonesia

Ilan sa mga favorite celebrity siblings noong dekada 90 ang magkapatid na sina Vina Morales at Shaina Magdayao.

Kamakailan, ikinatuwa ng mga batang 90s ang mga video at litrato ng magkapatid na nag-bonding sa Bali, Indonesia.

Kasama ang isa pa nilang kapatid na si Sheila Magdayao at pamangkin na si Franshesca Moreno, nag-unwind ang dalawa sa isang masayang adventure; pumunta sa mga kilalang tourist spots sa nasabing lugar at nag-enjoy sa iba’t ibang activities, katulad ng sikat na fire dance doon.

“Watched fire dance show in Ubud called Kecak Fire and trance dance. A choir of a hundred men sitting and singing in concentric circles. A story to tell through singing and dancing. Plus, we took a photo with the ‘horse rider’, ‘The Fire Man’,” pagbabahagi ni Vina sa kanyang Instagram account.

Sa isa pang video ay ipinakita nila ang nakatutuwa nilang “monkey forest experience and selfie experience.”

Pagbabahagi ni Vina, “Our monkey forest experience and our selfie experience 😅 He was heavy Lols 🤣🙈🙉🙊they are all afraid so im the one holding the cute and heavy monkey for our selfie sesh 🤣🙈🙊🙈 Syempre bilis ng Turo ni shaina sa akin.” LOL

Shaina 25 years na sa Star Magic

Matagal-tagal na rin sa industriya si Shaina, na kamakailan ay tumanggap ng loyalty award mula sa Star Magic para sa pananatili niya sa ABS-CBN sa loob ng 25 years.

Sa isang post, masaya at naaantig na binalikan ng aktres ang pagtanggap niya ng nasabing award, kung saan pinasalamatan rin niya ang mga taong nasa likod niya at nagtiwala sa kanyang kakayahan.

“I’m still letting everything sink in. Inabot ng 25, akalain mo ‘yon? After a few (failed) attempts to quit and run away from the ‘biz, nandito pa rin ako, and this wouldn’t have been possible if it weren’t for the people behind me,” saad niya.

“GMA, for discovering me and believing in my tears and chubby cheeks when I was six years old. ABSCBN, my mother network and my #Kapamilyas who raised me—@abscbn and @starmagicphils family,” pagpapatuloy niya kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng mga manager, direktor, aktor, at iba pang kasamahan sa trabaho na naging bahagi ng paglalakbay niya.

[RELATED – Shaina sa ASAP comeback: ‘Joined ASAP when I was 13, who would’ve thought that at 33…’]

Ani Shaina, hindi pa rin siya nagbabago, ngunit umaasa siya na sa mga panahong ito ay umunlad na siya bilang isang tao.

“Still the same Shaina but seeing this world and my #fate with a different (and definitely more grateful and hopefully more purposeful) perspective,” saad ng Kapamilya star.