Official poster, trailer ng ‘Ako si Ninoy’ inilabas na; singer na si JK Labajo, bibida

Screengrab mula sa FB page ng Philippine Stagers Foundation

Inilabas na ang opisyal na trailer at poster ng pelikulang “Ako si Ninoy”, ang pelikulang idinirehe ng award-winning director at writer na si Atty. Vince Tañada, at sinasabing babangga at tatapat sa ikalawang installment ng “Maid in Malacanang” (MiM) ni Direk Darryl Yap—ang “Martyr or Murderer” o MoM.

Batay sa trailer at poster na makikita sa FB page ng Philippine Stagers Foundation, ang gaganap na young Ninoy Aquino ay ang singer-actor na si Juan Karlos “JK” Labajo, na kasabayan nina Lyca Gairanod at Darren Espanto sa unang season ng “The Voice Kids” sa ABS-CBN.

Ang isa pa sa exciting part batay sa trailer,  bahagi rin ng pelikula ang anak ni dating Manila City Mayor at tumakbo sa pagkapangulo noong nakalipas na halalan na si Isko Moreno Domagoso, na bahagi naman ng MoM.

Si dating Yorme Isko ang gaganap na Ninoy Aquino sa naturang pelikula ni Yap, habang ang mga orihinal na cast naman gaya nina Cesar Montano bilang Ferdinand Marcos, Sr. at Ruffa Gutierrez bilang Imelda Marcos ang makakasama niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens, batay sa ulat ng Balita Online.

“Panonoorin ko po ito Atty. Vince Tañada… Salamat sa panibagong obra n’yo po.”

“Kung napanood yung theatre version hindi ito yung ikukwento lang yung buhay ni Ninoy, it’s more of recognizing na meron heroes sa buhay natin.”

“Must watch! can’t wait, direk!”

“We will definitely watch this film!”

“Tingnan natin kung ano na naman ang ikakahol ng isang enabler na direktor hahahaha.”

Sa kabilang banda, marami ang nagtataka kung bakit napasama sa cast si Joaquin, gayong isa umano ang aktor sa mga nanawagan ng withdrawal ni dating Vice President at presidential candidate Leni Robredo na nakalaban ng kaniyang ama.

Narito ang ilan sa pagtataas-kilay ng netizens:

“Teka ba’t andyan si Joaquin eh di ba naki-Leni withdraw din ‘yon?? Hahahaha.”

“Joaquin Domagoso? Seriously?”

“Jan anak ni Yorme ah. Why?”

“Joaquin Domagoso hahahaha.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Joaquin tungkol dito.

Panoorin: