
Kaliwa’t-kanang batikos ang inabot ni Paolo Contis mula sa mga fans ni Kathryn Bernardo dahil sa kaniyang naging pahayag nang kaniyang kapanayamin si Alden Richards.
Nitong Huwebes, Enero 26, nag-guest si Alden sa ‘Just In’ kung saan host si Paolo at isa nga sa napag-usapan nila ang pelikulang ‘Hello, Love Goodbye’.
Itinampok sa pelikulang ito sina Alden at Kathryn Bernardo na tumabo ng halos P900-M sa takilya at siya ngayong ‘highest-grossing Filipino film of all time’.
“’Hello Love, Goodbye’. Pinakamalaking pelikula lang naman sa Pilipinas… ‘Yung number one movie ng Star Cinema, at ABS-CBN, taga-GMA ‘yung artista,” wika ni Paolo.
“No? Hindi, fact. ‘Di ba? Of course, you have Kathryn who is the biggest star of ABS-CBN but you also are the biggest star of GMA. Anong feeling no’n? I mean I am sure may pressure ‘yun noong ginawa mo na first time with Kathryn na hindi si Daniel. First movie malaki mo, na hindi si Maine,” patuloy ng Kapuso actor.
Inamin naman ni Alden na hindi naging madali sa kaniya na gawin ang naturang pelikula lalo pa’t hindi ito sa bakuran ng GMA, kung hind isa ABS-CBN.
“Pero hindi ko naramdamang iba ako sa set, ‘di ko naramdaman na hindi ako welcome kasi may ganoong impression ‘eh. Lagi pag merong, tayo kasi di ba parang yung GMA and ABS merong image ng dalawang network, di ko naramdaman yun dun,” turan pa ng tinaguriang ‘Multimedia Star’.
Reaksiyon ng mga fans ni Kathryn
Hindi naman pinalampas ng mga tagahanga ni Kathryn at mga supporters ng ABS-CBN ang sinabi ni Paolo na parang si Alden ang nagdala ng ‘Hello, Love Goodbye’ kaya ito pumatok.
Ayon sa mga nagkomento sa social media, kaya tinangkilik ng mga manonood ang naturang pelikula ay dahil kay Kathryn, at hindi kay Alden.
Narito ang ilang reaksiyon:
“Si Kathryn nagdala ng movie po. tingin mo ba kikita un kung hindi A lister ang partner nya?”
“It is not about only the artist. It is about the quality production of Star Cinema. Alden Richards also have movie projects in GMA but does it included in top grossers?”
“Haha as if naman ganyan kataas ang gross ng movie without Kathryn. Both of them are no doubt great in acting, pero Kathryn Bernando brought the majority of the audience.”
“Eh si kathryn? Sure ba siya na si Alden angdala ng movie? Hahahahah even si kath sa ibang movies box office na lahat. Pano sya nkasure na ung nxg movie ni alden box office prin kahit wala si kath?”
“Pinanuod ko yang pelikula na yan dahil kay Kathryn real talk lang. hahaha.”
Ngunit kahit nabatikos, marami pa rin ang humanga kay Paolo dahil sa kaniyang natural at nakatatawang istilo ng pagho-host.
Panoorin ang panayam:
You must be logged in to post a comment.